Balikan: Mga panahong nagtitipon-tipon ang mga nanay para sa Tupperware Party

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa brand na “Tupperware?” 

Kahit anong sisidlan ng pagkain nga ngayon ay tinatawag na ring Tupperware ng maraming tao. Naging kasingkahulugan ito ng ‘magandang sisidlan na yari sa plastic.’

Kaya naman nang ibahagi ni Gani Familara sa Nostalgia Philippines Facebook page ang isang larawan ng mga Tupperware products ay marami ang naka-relate at napabalik-tanaw. Maraming alaala ang kakabit ng magagandang sisidlan na ito.

Ayon sa post ni Gani, “Tupperware Party. Yung panahong mag-aasemble ang mga nanay sa isang bahay para makita ang mga latest tupperware like baso, pitcher, etc. Free food for everyone, nakalabas ang crystal punch bowl and nakakulong sa kwarto mga bata na makulit tulad ko dahil madaming bisita sa bahay lalo na nanay mo host.” (smile emoji)

Hindi kasi kahit sino ay nagho-host ng Tupperware party. Maghahanda ka kasi ng pagkain at drinks sa mga iimbitahan mo kaya’t kailangang may budget ka para dito. Hindi rin naman sigurado kung lahat ng dadalo ay agad na bibili kaya’t kailangang ipakilala mo sa mga imbitado ang kagandahan ng bawat piraso.

Nagbigay ng patunay ang ilang netizens sa ganda at tibay nito, kasabay ng pagbabahagi ng kanilang mga karanasan sa mga gamit sa bahay na minahal ng marami. Itinuturing pa nga itong ‘pamana’ ng ilan dahil sa tibay ay tiyak na aabutin ito ng maraming dekada.

Yeah I remember after nun may uwi souvenir mga mommies na umattend.  Sympre tupperware pa din.”

“I’m also a Tupperware dealer and still I m using some of them pa matibay ito.”

“May nagpapahulugan sa nanay ko nyan.”

Mayroon ding nagbahagi ng larawan ng sarili nilang koleksyon ng napakatibay na mga sisidlan. Dahil sa may kamahalan na rin noon ang brand na ito at tipong pang-collector’s items ang datingan sa mga nanay, hindi ginagamit ang ibang aytem kung walang handaan. ‘Ika nga, pang espesyal na okasyon lamang tulad ng mga kaarawan at anibersaryo.

“Tibay ng plastic nyan. Di tulad ngayon malulutong.”

“Nagagamit ko pa ang bowl lagayan ng kanin pag may konti handa yung mga lgayan ulam pinamigay ko na but still nagagamit ng pinagbigyan ko pag may event siya.”

“Maliit pa ako noon nanay ko can’t afford nya yan e..nung ako ay nag asawa na invite din ako at naka bili naman ako..natutuwa nga nanay ko noon nilalabas lang nmin yan pag may okasyon…iniingatan ko til now, 25 yrs na s akin yan.”

Mayroon pa ngang mga lumabas na memes na walain mo na ang ibang sisidlan, huwag lang ang Tupperware ni Nanay. Malalagot ka!

Tanong ng marami? Mayroon pa bang Tupperware brand ngayon?

Yes po! Mas malawak na ang choices at mayroon na ring produkto na hindi yari sa plastic.

Nagpapatuloy ang Tupperware PH at kung nais makita ang kanilang brochure, maaaring bumisita sa kanilang website – TupperwareBrands PH.

Post a Comment

Previous Post Next Post