Batang lalaki kinaaliwan dahil sa pasimpleng pagsubo ng pagkain habang nagfa-flag ceremony

Ngayong nagbalik na muli ang face-to-face classes ay masaya at nanabik ang ating mga magulang na makapapasok nang muli ang kanilang mga anak matapos ang mahigit dalawang taong epekto ng pandemya.

Nag-viral sa social media ang video ng isang batang lalaki na nakatayo at umaawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang. Magugulat ka na lang kasi sa ‘pasimpleng’ pagsubo nito ng pagkain.

Ang video na in-upload ng tatay ng bata na si Tony Fabros ay mabilis na nag-trending sa Facebook.

“Umpisa na naman po ng klase n’ya..hehe,” saad sa caption ni tony sa kanyang Facebook account.

Kaya naman kinagiliwan ng netizens ang batang ito ay dahil habang nasa kalagitnaan ng Flag Ceremony ay hindi na ito nakatiis at sumimple ng kain.

Sino ba naman ang hindi maaaliw sa batang ito na kakapasok pa lamang sa school at hindi pa nag-uumpisa ang klase at ni hindi pa rin recess time pero ginugutom na agad. hahahha

Natuwa naman ang mga netizens at nagsabi pang “..makabayan naman, gutom lang”. May mga mga nagbigay rin ng iba’t ibang reaksyon at kumento dito.

“Naku po, flag ceremony pa lang nakain mo na recess mo? Hehehe, so cute.”

“Kids will be kids. Maituturo naman ‘yan nila teacher at ng magulang kung ano ang dapat sa hindi. God bless baby boy.”

“Nakalimutan ni baby boy na face-to-face na. Hahahaha! Cutie!”

“Ang cute mo anak para lang ‘yung anak ko eh ‘di pa recess ubos na baon.”

“Gutom yarn bata pa talaga at least nakatayo at nakahawak sa dibdib bilang respeto, ‘di kinaya gutom na baby boy pasensya na sa ‘di nakaunawa.”

“Ok lang ‘yan kinder pa lang siya nagsisimula pa lang sia mag aral kaya di pa niya alam oras ng recess, hindi pa niya alam ang Lupang Hinirang haha cute..”

Ang nasabing post ay umabot na ngayon sa mahigit 4M views, 56K reactions, 4.7K comments, at 33K shares.

Basahin: Smiling student despite muddy travel to school brings good vibes

Post a Comment

Previous Post Next Post