Marian Rivera sa ika-42nd birthday ni Dingdong Dantes, ‘Blessed to share life with you’

Ang dating young heartthrob na si Dingdong Dantes, 42-anyos na pala!

Nitong Martes, Agosto 2, ay nag-post si Marian Rivera ng larawan ni Dingdong na kuha bago ang GMA Gala Night para batiin io sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng Instagram.

Makikita si Dingdong sa larawan habang tila nag-aayos ng sarili para sa dadaluhang event kasama ang kanyang maybahay.

“Happy Birthday to my favorite person,” sulat sa caption ng aktres. “Thank you for being the most amazing husband and father. Blessed to share this life with you.”

Ang mga followers at kapwa celebrity nila at ilang mga kaibigan sa industriya ang nagpaabot ng pagbati kay Dingdong; kabilang na sina Carmina Villaroel, Bianca Gonzalez, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi at maging si GMA Films President Annette Gozon-Valdes.

“Happy happy birthday sir @dongdantes God bless your generous heart and more birthdays to come.”

“Happy birthday Jose Augus2! Our Primetine King #Dingdong”

Samantala, ang celebrity power couple ay kabilang sa mga standouts sa mga Kapuso stars at executives na dumalo sa GMA Gala Night.

Sa huling post ni Marian sa kanyang IG ay nakasuot ito ng swimsuit na mukhang doon nag-celebrate ng karaawan ni Dingdong sa Balesin Island kasama ang kanilang pamilya.

“Waking up by the ocean,” saad ng aktres.

Samantala, isang pasilip ng mag-asawang Kapuso:

Basahin: Dingdong Dantes, sinurpresa si Marian ng isang romantic dinner set-up sa Araw ng mga Puso

Matatandaang ibinahagi ng Primetime King ang isang video ng kanyang pag-welcome kay Marian sa kanilang dinner venue na may dalang bouquet of flowers saka niya ito ibinigay sa aktres.

“My Valentine,” isinulat ni Dingdong sa caption ng kanyang post.

Nagkakilala ang mag-asawa sa set ng Marimar noong 2007 kung saan gumanap si Dingdong bilang si Sergio. Nagpakasal ang dalawa noong 2014 at kasalukuyang may dalawa nang anak na sina Jose Sixto G. Dantes IV, dalawang taong gulang at Maria Letizia Dantes,  na anim na taong gulang naman.

Basahin: Marian nag-pottery class kasama ang anak na si Zia Dantes

Post a Comment

Previous Post Next Post