Dumistansya ang seksing aktres na si AJ Raval sa kapatid na si Vanessa matapos mag-akusa ng huli laban sa isang rapper na sa bandang ay lumabas na scripted lang pala.
Sa kanyang Facebook account, sinabi ni AJ na nagsasalita siya sa ngalan ng kanyang pamilya na nakakaladkad hinggil sa kumakalat na isyu na kinasasangkutan ni Vanessa.
“Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa. We may share the ‘Raval’ name, pero hindi ko siya nakasamang lumaki. Hindi rin kami close,” saad ng aktres.

“We are very civil ‘pag nagkikita at times. But there is nothing special about it, dahil mas close ako sa mga kapatid ko sa nakalakihan kong mother (Holiday), ‘yung mga brother and sister ko sa kanya ang nakasama ko lumaki and not with Vanessa,” dagdag pa niya.
Lumaki si AJ kasama ang kanyang stepmother na si Holiday, ang legal na asawa ng kanyang ama, ang action star na si Jeric Raval. Ang kanyang biological na ina ay ang ’90s sexy star na si Alyssa Alvarez.
Humingi ng paumanhin si AJ sa hiphop community kaugnay sa isyu, at sinabing wala silang kinalaman dito.

“We are utterly affected about the circulating issue kahit wala kaming kinalaman. Again, we have nothing to do with it. Labas kaming lahat sa issues ni Vanessa. Ganoon din sa akin. Labas din po lahat ng family members sa bawat issue na dumadating sa akin. Ako na po himihingi (sic) ng pasensya sa lahat ng naapektuhan at na damage lalo na sa HipHop industry,” sabi pa niya.
Basahin: Vanessa Raval itinangging si Skusta Clee ang tinutukoy sa maaanghang na posts

Kamakailan ay sunud-sunod ang post ni Vanessa sa Facebook tungkol sa hindi pinapangalanang rapper na kahit nagkaroon na raw ng isyu dahil sa pagiging babaero nito ay tila hindi pa rin daw nadadala.
“Scripted lahat! Pinlano gumawa ng kwento. Sumugal lang sa mga taong mahal ko sa buhay. Pero bandang huli talo. PATAWAD SA LAHAT,” aniya sa kanyang FB post.