Kamakailan ay magkasamang nagdiwang ng kanilang anibersaryo ang mag-asawang sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla; isa sa mga sikat na celebrity couple sa Pilipinas.
Sa Instagram account ng aktres ay nag-post io ng ilang larawan na ginawang video clip kuha sa kanilang intimate celebration.
“Celebrating 12 years,” saad sa post ni Mariel na may tatlong heart emojis at tinag ang asawa.
Base sa mga larawan mula sa kanyang Instagram story, ipinagdiwang nina Mariel at Robin ang kanilang espesyal na araw kasama ang kanilang pamilya.
Bumuhos ang pagbati mula sa kaniyang mga followers at malalapit na kaibigan at kapwa celebrities.
Sa isa sa mga Instagram stories ni Mariel, nag-post siya ng larawan ng napakagandang flower bouquet at greeting card na natanggap niya mula sa kanyang matalik na kaibigan na si Toni Gonzaga.

“Dearest Ma and Robin, Happy Anniversary to a beautiful couple! May your life continue to be filled with much love, laughter, success, and happiness! We celebrate you today! We love you!” nakasulat sa card na ibinahagi ni Mariel.
Matatandaan na noong ika-11 year anniversary nila ay nagbahagi ang senador sa kanyang IG at binati ang kanyang maybahay.
“Isa sa mga honeymoon namin na punong puno ng katatawanan at adventure. Literal na walang plano ang mga lakad namin basta in the name of love bahala na kung sa’n kami mapadpad,” sabi ni Robin sa kanyang caption.

“Mula umaga hanggang gabi, tawa lang kami ng tawa. Pinagtatawanan lahat ng nagaganap kahit hindi nakakatawa… Napapatawa na lang ang iba sa mga kalokohan namin lalo kapag naliligaw na kami at wala ng makaintindi sa aming Inglis.”
“Hindi ko man maibabalik ang Mariel Rodriguez ko pero napalitan naman ng 2 ang dating ikaw, plakadong plakado ni Maria Isabela ang pagiging performer mo at ni Maria Gabriela ang pagiging pilya at matakaw mo… 2 little Mariel Rodriguez goodness gracious great balls of fire!”
Basahin: Mariel Rodriguez-Padilla proud na nagbahagi ng larawan ng oath-taking ni Senator Robin Padilla
View this post on Instagram