Pinatunayan ng couple na ito na hindi hadlang ang pagkakaroon ng mabigat na karamdaman sa kanilang pag-iibigan.
Nagkakilala sina Wilrene Baldemor Pedreza at MJ Pedreza sa isang Christian event noong 2017 at makaraan ang limang taon ay naging official na ang kanilang relasyon.
Na-engage naman ang couple noong Abril 23, 2022 ngunit pagkaraan ng ilang araw ay na-diagnose si Wilrene na may Acute Myeloid Leukemia.
“Pinag-pray mo po ‘yung tao, parang naisip ko po na ang tagal tagal ako inantay ni MJ kasi apat na taon niya po ako inantay tapos nung kami na, ilang buwan pa lang po nung nalaman po na ganito po ‘yung sakit ko kaya mahirap po,” ani Wilrene sa ‘The Philippine STAR.’

“Bago po malaman ‘yung final result po, nag-propose po kasi siya nun. Tapos nung una po parang hindi ko po ma-compose ‘yung sarili ko kung ano po ‘yung mararamdaman ko pero habang dumadaan po ‘yung araw parang nahihirapan po ako, parang hindi po nagsi-sink in sakin pero siguro po mas nakita ko po kasi kung gaano niya po ako kamahal po kasi grabe po talaga, as in grabe po talaga, wala po akong masabi sa binigay po niya na love kung pano niya po ako inasikaso, inalagaan.”
Ayon kay MJ, kaunti lang ang kanilang paghahanda para sa kanilang kasal dahil abala sila sa pagpapagamot at mga appointment sa ospital ni Wilrene ngunit ginawang posible ng kanilang mga pamilya at mga kasambahay ang kanilang kasal.

Ang kondisyon ng kalusugan ng nobya ni MJ ang nagtulak sa kanya na samahan ito sa lahat ng kanyang pagsubok; kaya naman noong Hunyo 18, 2022 ay ikinasal ang dalawa sa isang Christian ceremony.
Sinabi ni MJ na hindi nasubok ng kalagayan ni Wilrene ang kanilang relasyon habang patuloy nilang pinapatibay ang isa’t-isa.
“Para sakin po kasi parang ‘di hahayaan ‘to ni Lord samin kung hindi namin malagpasan,” ani MJ.

Malaki ang pasasalamat ni Wilrene sa pasensya ng kanyang asawa dahil nalampasan nila ang hamon sa kanilang buhay nang magkasama.
“Hindi po biro pero parang sabi ko nga po eh kumbaga si Lord, alam po niya talaga lahat kasi bago ko po ‘to naranasan, binigay na niya sakin si MJ para maging katuwang ko po kasi hindi lang siya physical kumbaga parang emotionally, mentally, spiritually kasi talagang susubukin niya ‘yung faith mo pero sobrang ‘yun po, kumbaga bukod po sa Lord, sa family, kay MJ po talaga parang nakikita ko po siya, sobrang strong po niya,” aniya.
Congrats and may the Lord almighty bless you more.