Agaw pansin ngayon ang isang lalaki na kahawig umano ng aktor na si Jericho Rosales na pumapasyal sa isang amusement park sa Monkayo, Davao de Oro na kinaaliwan naman ng mga netizens.
May isang grupo ng magkakaibigan ang napansin ang pagkakahawig nito sa aktor kaya hindi nila maiwasan na magpakuha ng larawan.
Sa Facebook, in-upload ni Hyobz Perez ang litrato nilang magkakaibigan at solo picture ng binansagang ‘Echo’, “Sir Bhai with Kuys Echo ng Monkayo, Davao de Oro,” saad sa caption.

Kaya naman pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang picture at sinabing ‘Echo Multiverse’ ITO. May mga nag-tag at nag-mention pa sa pangalan ni Jericho upang makarating sa kaniyang kaalaman na may “twin brother” siya sa Davao.
Hindi lamang ang aktor ang tinag ng netizens kundi pati na rin ang award-winning magazine show ng GMA Network na “Kapuso Mo, Jessica Soho” o KMJS.
Sa post ni Hyobz ay maraming naaliw at humakot na ng mahigit 2.5k reacts at 9.6k shares. Bumuhos din naman ang iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Magkamukha po ma’am, pero maraming paligo ang lamang ni echo siguro mga 100 at 1/2 paligo ang lamang ni echo.”
“Pa-DNA na ‘yan, baka mamaya may nawawala palang kakambal si Echo. Malay n’yo, kayo ang maging tulay para magkita ang magkapatid!”
“Kamukha naman talaga, may pera lang si jerico kaya nakalamang ng paligo. Pero pogi si kuya. All the best kuya look a like.”

“Anong nangyari dito sa comment section, imbis na suportahan si Kuya, tinatadtad n’yo pa ng panlalait, ganyan na ba talaga kayo. Minsan nakakahiya maging pilipino kasi sa mga inaasal n’yo,” bitaw naman ngisang social media user sa mga nanlalait sa ka-lookalike ni Echo.
“Magpaputi lang po si kuya kamukha n’ya na nga po,,wala naman po masama if kamukha, wag na kayo mag-comment ng harsh.”

Samantala, sa ibinahaging side by side na larawan ng dalawa sa ulat ng Hinigaran News Today ay mas makikita na may pagkahawig nga sila ng aktor na dating nagkargador noong kanyang kabataan.
Ayon naman kay Melanie Cesar Malbas sa comments section ng post, “It’s really true I know him, he’s my neighbor from Casoon Monkayo Davao de Oro..He’s really look alike an artist Jericho Rosales.”
Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o pahayag si Jericho kaugnay sa mga kumakalat na larawan na kahawig niya.
Good vibes lang please!