Cynthia Villar duda na kayang gawing P20 per kilo ang bigas sa ngayon

“Sana magkatotoo ang bente pe kilo ng bigas” — iyan ang panalangin ng marami nating kababayan.

Kaya lang ang pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay hindi umano magagawa sa ngayon, ayon sa chairperson ng Senate Committee on Agriculture noong Miyerkules.

Nang tanungin kung ang gobyerno ay maaaring maging dahilan ng pagbaba ng presyo ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino sa P20 kada kilo, ang sagot ni Senator Cynthia Villar ay negatibo.

“Hindi. Kasi ang cost natin P11.50. To convert it into rice, times two. P11.50 so P23… Paano ‘yung pagtransport, ‘yung kita ng farmers, and all that? So siguro reasonable P30 plus,” wika ni Villar.

Noong panahon ng kampanya, ang pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay kabilang sa mga adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang kalihim din ng agrikultura ng bansa sa kasalukuyan.

Humingi ng komento ang GMA News Online sa Malacanang hinggil sa pahayag ni Villar.

Kaugnay sa krisis sa pagkain sa bansa, sinabi ni Villar na kailangan ding tingnan ang produksyon ng gulay sa halip na tumutok lamang sa bigas.

Sa pagbanggit sa kanyang karanasan sa kanyang farm school, sinabi ng mambabatas na mas kumikita ito sa pamamagitan ng pag-prodyus ng mga gulay.

“But I see it sa Philippines, hindi nila masyadong ine-emphasize ang vegetable ‘di ba. Ang emphasis rice,” sabi ni Villar.

“But rice production in the Philippines is not as competitive [because] Vietnam can produce rice at P6 per kilo,” dagdag pa niya.

Basahin: Lalaking nagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 per kilo, inspirasyon si Kakampink 101

Samantala, viral sa social media ang isang vlogger na si Kakampink 101 at nakapagbigay pa ng inspirasyon sa pagbebenta ng murang bigas na ₱20 per kilo.

Sa panayam ng Interaksyon, sinabi ng lalaking tubong Bacolod City na nagbebenta siya ng premium rice sa halagang P20, “to remind all government officials to work hard para po gumanda at bumaba ang bilihin.”

Post a Comment

Previous Post Next Post