Sen. JV Ejercito proud sa bagong milestone ng anak na si Emilio

Ipinagmamalaki ni Senator JV Ejercito ang pinakabagong milestone ng kanyang panganay na anak na si Emilio.

Ayon sa kaniyang Facebook post, “Proud Daddy moment… Congrats to my son Emilio on his graduation at the Ateneo de Manila University. Admittedly an improvement, mas pogi, mas matangkad, mas matalino!”

Dumalo si Ejercito sa graduation ceremony ng kanyang anak sa Ateneo de Manila University (AdMU) noong Lunes. Binati ng senador si Emilio sa kaniyang tagumpay at kinilala ang kaniyang anak na mas gwapo at mas matalino kaysa sa kanya.

Kitang kita ang saya sa mukha ng kaniyang ama na pinahihiwatig na sobrang proud father siya. Kahit na marami siyang gampanin pagdating sa politika, hindi niya kinalilimutan ang pagiging ama sa kaniyang dalawang anak.

Si Emilio o Jose Emilio B. Ejercito sa totoong buhay ay nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Management Economics Minor in Financial Management sa nasabing unibersidad nitong Agosto 29, 2022. Siya ay 22-taon gulang.

Sumuporta rin siya sa kaniyang ama noong ito ay nangangampanya noong March 10, 2019.

Ayon sa kaniyang Facebook post, siya rin ay isang Force Officer of this year’s TEDxADMU 2022: Epicenter.

“Manifesting greatness takes time and patience. The journey towards our own center may be challenging, but it is an opportunity worth taking.”

Basahin : JV Ejercito, sumemplang na tinawanan pa ng ilang netizens

Kamakailan, ikinalungkot ni Senator Ejercito ang disgrasyang naganap sa kaniyang pagmamaneho ng bisikleta noong November 22, 2021

Tinawanan naman ng mga netizens ang nangyari sa kaniya at siya naman ay tumugon sa mga ito,

“Have some people gone this low in socmed? Some even making fun of my accident and injuries in a page of a major daily. What is happening to some Pinoys? We are not like this. Supposedly we are one of the friendliest people in the world. Sa halip na magpagalingan sa talino, tila sa iba pagalingan sa pabastusan ang gusto. This is cruel, bordering on evil.”

Post a Comment

Previous Post Next Post