Smokey Manaloto tatay na sa edad na 51; ‘Akala ko huli na pero hindi pa pala’

Masayang ibinahagi ng aktor na si Smokey Manaloto sa kanyang social media account na siya ay isa nang ganap na ama sa edad na 51; kasabay ng pag-welcome nito sa kanyang unang anak sa non-showbiz partner.

Isinalaysay ng actor-comedian ang kanilang journey mula nang malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis noong Disyembre ng nakaraang taon hanggang sa paglabas ng sanggol, sa pamamagitan ng isang video sa kanyang TikTok page noong Linggo, Agosto 7.

“Sabi nila, ‘Wala ka nang pag-asa.’ Sabi nila, ‘Huli ka na sa biyahe.’ Akala ko nga huli na pero hindi pa pala,” tuwang-tuwang hindi makapaniwala si Smokey na ama na nga siya.

Ang komedyante at ang kanyang partner, na hindi niya sinabi ang pangalan, ay nagtungo uman sa ospital noong Agosto 2, Martes, at dumiretso sila sa emergency room, at tinanggap ang kanilang anak noong madaling araw ng Agosto 4.

“Ladies and gentlemen, we would like you to meet our ‘Kiko’ Manaloto,” sabi ni Smokey habang nag-flash sa video ang mga litrato niya na buhat buhat ang anak.

Kaya naman bumuhos ang bumati mula sa mga netizen sa paglabas ni baby Kiko.

“I’m happy seeing your outburst happiness holding you son, congrats smokey!”

“Huli man daw at magaling nakahahabol pa rin ABA GWAPO APO NI MOMMY G”

“Congratulations smokey sarap maging daddy po hehehehe kasing bait mo po ‘yung mukha niya.”

Maraming netizen ang nagsabi na totoo pala na emergency ang pinuntahan at kaya saglit na nawala sa teleseyeng 2 Good 2 Be True ay aalis para sa anak. In real life ay magsisilang pala noon ang kanyang asawa sa na nilang anak.

“Ay totoo po pala yung sa 2 Good 2 be true na aalis para sa anak.”

“Kuya badong ‘di ka nagsabi ng totoo kay lolo Sir, misis mo pala ang buntis at nanganak eh, naku lagit ka pagbalik ko kay lolo Sir, Congrats po Sir Smokey.”

Nilinaw rin niya sa isang post na siya ay 51 na at hindi 44 gaya ng mga naunang ulat ng media. April 24, 1971 ang birthdate ni Brian Paul; tunay niyang pangalan.

Dinala rin ng aktor si Kiko sa isang simbahan at binasbasan ito ng isang obispo, na makikita sa Instagram page noong, Agosto 10.

Kasalukuyang napapanood si Smokey sa romantic-comedy TV series na “2 Good 2 Be True,” kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ronaldo Valdez, Gelli de Belen at Gloria Diaz, at iba pa.

@smokeymanaloto First post!!! Welcome to my tiktok account! Enjoy!!! #thebigevent #firsttimedaddy #firstbaby #fyp #foryoupage #firstpost #smokeymanaloto ♬ What I Never Knew I Always Wanted – Carrie Underwood

Post a Comment

Previous Post Next Post