1st year criminology student na pulot lang sa basurahan ang gamit sa pagpasok, tinulungan ng mga guro

Viral sa social media ang isang mag-aaral na sa kabila ng kahirapan sa buhay ay patuloy na nagsisipag sa pag-aaral.

Ipinost sa social media ng isang Martial Arts Instructor na si Mark Angelo Donesa ang kuwento ng buhay ng kanyang estudyante na nakasuot lamang ng tsinelas at ang gamit pamasok ay isang sirang bag.

Nakilala ang First year Criminology student na si Fritz Aldrin Arsalon na estudyante ng University of Iloilo. Kahit bawal ang magsuot ng tsinelas ay pinipilit pa rin daw nitong makapasok.

Ayon sa guro ay kinausap niya ito, at ang tanging naging sagot ni Fritz sa kanya ay parusahan na lamang daw siya dahil wala siyang rubber shoes at pinulot lamang niya sa basurahan at nilabhan ang gamit na bag.

“PINULOT KO LANG PO SA BASURAHAN ANG BAG AT NILABHAN PARA MAGAMIT KO SA PAG-AARAL!” ayon sa post ni Sir Mark sa  kanyang FB wall.

Dahil sa kalagayan ng estudyante ay nagpasya ang mga instructors at nag-ambagan para mabilhan ng gamit ang estudyante na self-supporting pala at nais lamang talagang makapag-aral.

Dagdag pa ni Sir, “So nag ambag kami para sa iya shoes, bag, pants kag shirts para may pang school niya kag especially kay sir Raj Moerly G. Zamoras nga nag hatag sa iya pang tuition ya . Kag sa mga buddy ko nga nag bulig sa iya Cash kag gamit.”

Binigyan nila ito ng dalawang pares ng sapatos, anim na pantalon, limang puting t-shirt, bag, groceries, at cash para may panggastos siya. May ayuda rin sa kanyang tuition. God bless you!

Umaasa naman si Sir Mark na makakamit ni Fritz ang kanyang pangarap sa kabila ng kahirapan at maipagpatuloy ang nasimulan.

Bumuhos naman dito  ang komento mula sa mga netizens lalo’t ang mga kagaya ni Fritz ay nagpapatunay na wala sa kalagayan o estado sa buhay ang kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral.

“Hindi nababatay ang galing o kakayahan sa requirement sa suot lamang.. maraming salamat sa nagbigay tulong.. God Bless Philippines.. tulong-tulong tayo tulongan ang walang-wala..”

“Love this story! Touching and inspiring acts from both the student & the kind-hearted instructor…..”good samaritan” still exists!”

“Sana lahat ng kabataan gayahin sya masipag mg aral khit walng wala,sana matupad ang pangarap mo Fritz!”

Post a Comment

Previous Post Next Post