Trending online ang paghabol ng mga guro sa isang kinder student na tumakas umano sa unang araw ng klase na kinagiliwan naman ng netizens.
Sa video, makikita na tumatakbo ang bata habang papalayo sa paaralan habang sakay naman ng motor ang dalawang guro para masundan lamang ito.

Ang mga guro ay nakilalang sina teacher Lyka Joy Alveza at teacher Roselyn Carillo Campano mula sa Gonzaga, Cagayan.
Maririnig sa video na ilang beses nilang sinubukan kumbinsihin na bumalik sa school pero balewala lamang sa bata ang mga sinasabi nito at patuloy na tumatakbo.
“Dali-dali po naming hinabol yung bata kasi nag-aalala kami na baka mapaano po yung bata sa daan,” kuwento ng guro.

“Kailangang ipadama sa mga bata na mahalaga sila, na hindi nakakatakot pumasok sa school, na naiintindihan ng mga guro yung kanilang mga nararamdaman. In this way, mamo-motivate mo silang pumasok at mag-aral,” ayon sa guro.
Ang kanilang habulan ay umabot na umano sa mahigit 300 metro sa panunuyo. Sa huli, hindi na bumalik sa eskuwelahan ang bata at tuluyang umuwi at sinamahan nila upang matiyak na ligtas na makararating sa bahay.
Nang nakauwi na ang bata ay masaya na at sumasayaw na raw ito.

Ang video na ipinost ni teacher Roselyn ay umani ng maraming komento at paghanga sa kanya. Umabot na rin sa mahigit 830K views, 10k reaksyon at 6.4K shares.
“Salute teachers. Ang cute n’yo po pati si bagets. Pahabol talaga s’ya.”
“One of the many reasons why teachers deserve a raise. Hindi lang sila teacher pero pangalawang magulang at baby sitter ng mga anak natin at the same time yung patience nla, concern sa bata na hindi namn nla kadugo and dedication sa teaching profession.”
“Wow I salute to the 2 teachers ‘di nila hinayaan mag-isa ‘yung bata umuwi,,Good example po kayo talaga mga ma’am God bless to both you ma’am.”
“Ang kanyang “most unforgetable experience” during elem days, same with the teachers.”
Panoorin ang video na ibinahagi ni teacher Roselyn:
Mga teacher, anong kuwento n’yo sa mga unang araw ng mga students ninyo? Naka-relate rin ba kayo?
Basahin: Batang lalaki kinaaliwan dahil sa pasimpleng pagsubo ng pagkain habang nagfa-flag ceremony