Guro hinangaan matapos bantayan ang anak ng kanyang estudyante habang nag-eexam

Viral ngayon sa social media ang isang may malasakit na guro sa kanyang estudyante na inalagaan ang anak nito habang nag-eexam ang huli.

Nagprisinta umano ito na hawakan ang baby upang maka-focus sa exam ang kanyang estudyante.

Nakilala ang propesor na si Andres Sequito na mula sa Samar University matapos mag-viral ang video online na in-upload ni Ezza sa TikTok account nito.

“The moment when one of his students bring a baby to tha class and wanted her to focus on the exam,” saad ng uploader sa TikTok.

Dagdag pa sa caption sa video, “He is not only imparting knowledge to his students, but also giving the full undertanding, kindness, and love as a second parent, salute to you, Sir!”

Sabi pa ni Ezza, “‘Di lang siya magaling magturo, tutulungan ka pa magtiwala, ‘wag sumuko at abutin ang pangarap mo.”

Sa video makikitang sinusubukang pasayahin at nilalaro-laro nito ang baby habang buhat ito.

Nakatutuwa naman dahil hindi man lang umiyak o nairita ang bata habang karga ito ng guro.

Ayon kay Ezza na isa ring estudyamte ng guro ay cool, masayahin at mabait na teacher si Sir Andres.

Sa kabila ng mga ngiti ay may pinagdadaanan din si Sir Andres, ayon sa estudyante, pagkat may sakit daw ang asawa nito na Chronic Kidney Disease.

Kaya naman bumuhos ang komento sa guro at naantig ang damdamin ng mga netizens sa ginawang kabutihan ni Andres.

“God bless your heart Sir! napakabuti ng puso mo sa pagtulong sa students maabot lang pangarap niya para sa anak. kudos”

“This is the kind of a teacher na hindi jina-judge ‘yung student dahil lang sa may anak na. Salute to you sir!”

“Infairness tahimik si baby kay teacher siguro sa isip nia, “I need to behave para plus point kay momi.”

“Teary eye nung nagkatitigan sila ni baby tapos kinausap niya.”

“The baby knows that she’s in good hands she don’t even cry instead she feel comfortable with teacher’s arm.”

Ang video ay umabot ng mahigit 1.6M hearts at 8,3K  shares sa Tiktok as of posting.

Post a Comment

Previous Post Next Post