Going strong at may “true love” — iyan daw ang pinatunayan ng mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado, ayon sa entertainment columnist na si Lolit Solis.
Nag-post sa Instagram si Manay Lolit noong September 25, kung saan, aniya, sa dami ng pagsubok at pinagdaanan sa buhay ay magkasama pa rin sina Bong at Lani.

“Siguro Salve, patunay ang true love sa pagsasama nila Bong Revilla at Lani Mercado. Kasi nga sa dami ng naging pagsubok at mga problema, hanggang ngayon magkasama at nagmamahalan pa rin sila,” ani Lolit.
“Love siguro ang naging mahigpit na binding sa tali nilang mag asawa. Sa buhay naman talaga ng tao maraming tukso ang papasok, maraming pagsubok ang darating, pero basta nanduon ang love kaya mong labanan ang lahat,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa 75-anyos, imposible nang masira ang samahan ng mag-asawa.

“May mga apo na sila Bong, hangga ngayon matibay pa rin ang pagsasama nila. Kaya naman alam mo na imposible pa na masira ang samahang binuo ng pagmamahal, patunay ang Bong at Lani marriage. Basta hanggang wakas, si Lani Mercado ang legal wife ni Bong Revilla, wala nang iba. Promise, Gorgy at Salve.”
Matatandaang noong Mayo 28 ay nag-upload ng video, at pinagdiwang nina Bong at ni Lani ang kanilang 36 years bilang mag-asawa.
“Just like that, it has since been 36 years when I married you, the most beautiful woman inside and out,” pagbasa ni Lani sa mensahe ng asawa na nakasulat sa anniversary card.

“We were both young and truth be told, many were betting against our longevity. Almost four decades later – we continue to prove them wrong. Marami na tayong pinagdaanan ngunit dahil rin sa iyo – sa ating tibay – lalo pang lumalakas ang ating pagmamahalan.
“Happy 36th Anniversary and more years will come for us to celebrate together, I promise and cross my heart.
“Loving you always, Papa,” pagtatapos ni Lani sa card mula sa mister.
Basahin: Sen. Bong Revilla ibinigay ang credit card kay Lolit Solis
Kamakailan ay ibinida ni Lolit na binigyan siya ng credit card ni Sen. Bong upang gamitin sa kaniyang mga pangangailangan habang nagpapagamot.