Jason Abalos at Vickie Rushton ikinasal na sa Batangas

Sa wakas ang actor-turned politician na si Jason Abalos at actress, model at beauty pageant titleholder na si Vickie Rushton ay ikinasal na!

Nagpalitan ng “I do’s” ang mag-asawa sa San Antonio de Padua Parish sa Nasugbu, Batangas, na makikita sa Instagram page ng Nice Print Photography noong September 1, 2022.

Sa mga larawan ay makikita si Vickie na naka-elaborate na ballgown na may ternong sleeves, at si Jason naman ay naka-burdadong barong tagalog.

In-upload rin sa IG ng kanilang mga kaibigan sa showbiz na sina Marco Alcaraz at Joross Gamboa ang ilang larawan at video mula sa kasal.

Ibinahagi ni Marco ang mga Instagram stories ni Vickie na naglalakad sa aisle, at ang mag-asawa ay nagbahagi ng kanilang unang halik bilang mag-asawa.

Samantala, nagpost rin si Joross ng mga picture kasama ang mag-asawa at iba pang bisita sa nasabing kasal.

Congrats at best wishes sa bagong kasal! 

Basahin: Prenup shoot nina Jason Abalos, Vickie Rushton may temang Filipiniana

Sa mga larawang inilabas noong Agosto 16 na ibinahagi sa Instagram ay makikita si Jason na naka-barong habang si Vickie ay nakasuot naman ng puting Filipiniana. Pareho silang nakaupo sa harap ng Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.

“Pinili ko ang Pantabangan, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito,” paglalahad ni Jason.

Basahin: Jason Abalos, inihayag na engaged na kay Vickie Rushton noong Setyembre 2021

Matatandaang inanunsyo ng aktor na nakatakda na siyang magpakasal sa beauty queen girlfriend dahil ibinunyag niya na engaged na sila mula noong nakaraang taon pa.

Ibinahagi ni Jason ang larawan nila ng kanyang fiancee sa kanyang Instagram account noong Hunyo 2 habang magkayakap silang dalawa at suot naman ni Vickie ang engagement ring.

Aniya, “Habambuhay ko pasasalamatan ang Panginoon sa buhay mo Baba. Patugtugin na ang kampana!”

“9/1/21 she said ‘s’yempre.’”

Post a Comment

Previous Post Next Post