Vicki Belo trending online ang 'glam-up transformation' video

Nag-viral sa social media ang ‘glam-up transformation’ video ni Vickie Belo nang ibahagi niya ito bago dumalo sa isang event ng Vogue Philippines.

Sa video, ang 65-anyos ay makikitang game na game at napapaindak sa kantang ‘Break My Soul’ ni Beyoncé habang ipinakikita niya ang kanyang no make-up look sa camera.

Pagkatapos ay nag-cross arms si Vicki sa video bago nagpakita ng kanyang transition. Ready na para sa espesyal na event na dadaluhan!

Sa kanyang Instagram post, “Off to do some dishes… See you soon #VougePhilippines! Styled by @boopyap @kimiyap, dress by @itspatriciasnts, makeup by @makeupbymavo,” saad sa post ni Vicki at itinag ang kanyang glam team.

As of posting, ay mayroon nang mahigit 940,000 views, halos 68K likes, at mahigit 1,500 komento ang Instagram reel ng celebrity dermatologist.

Napa-wow ang mga followers niya sa transformation ng doctor.

“You look gorgeous, wow!”

“Doooccc, you’re sooo gorg, as always!!!”

“Love this! always happy and positive vibes of dra. vicky”

“Awww. Nagulat ako nung unang kita ko ng video, akala ko ano nangyari sa face ni doc.”

Si Dra. Vicki ay isang sikat na dermatologist at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas at siya ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group.

Siya ay kasal sa kapwa doktor na si Hayden Kho at mayroon silang isang anak na nagngangalang Scarlet Snow Belo.

Sa IG  ay nagpost at ipinagdiwang nitong September 2, ng celebrity doctors na sina Vicki at Hayden ang kanilang 5th wedding anniversary.

“Happy 5th wedding anniversary my beloved husband. Then, I whispered a prayer that our marriage would be a most loving, joyful and meaningful one,” sabi ni Vicki.

“Today is proof that God works for the good of those who love Him. Who have been called according to His purposes. ROMANS 8:28,” dagdag pa niya.

Sa pamamagitan naman ng isang Instagram story, binati ni Kho ang kanyang misis kalakip ang isang video.

“I’ll marry you over and over and over again. @victoria_belo”

Post a Comment

Previous Post Next Post