Julia Barretto may komento kay Joshua na nali-link kay Bella Racelis, ‘That’s good, approved!’

Kamakailan ay usap-usapan sa social media ang tungkol sa aktor na si Joshua Garcia at sa YouTube content creator na si Bella Racelis. Nagbigay naman ng komento ang dating GF ni Joshua na si Julia Barretto.

Sa Maritest na segment ng Tropang LOL noong Huwebes, September 8, naging guest player si Julia kung saan isa sa mga tanong sa kanya ay may kinalaman sa dati nitong nobyo na si Joshua.

Ang tanong ni Matteo Guidicelli sa aktres, “Sinong sikat na aktor ang nali-link ngayon sa YouTube content creator na si Bella Racelis — dahil madalas i-like ni aktor ang mga post ni girl?”

Sa mga sagot na pagpipilian ay kabilang sina Diego Loyzaga, Alden Richards, Donny Pangilinan, at Joshua Garcia.

Mapapansin na parang hindi alam ni Julia ang sagot ngunit sa huli ay sinagot niya si Joshua na nali-link kay Bella.

Nang masagot ay ipinakita ang ilang larawan nina Joshua at Bella na nag-viral kamakailan sa social media.

Nagbigay naman ng reaksyon ang aktres dito. “Oh that’s nice, that’s nice. Good for the both of them. That’s good. That’s good. Masaya tayo,” aniya.

Ayon sa 25-anyos hindi na raw siya sensitive kapag naririnig o nababanggit ang pangalan ng dating nobyo.

“Hindi ako sensitive. Iko-correct ko lang ha… eh kasi syempre dapat kapag past ile-let go mo ‘yan with grace and with gratefulness. So kapag binabalikan mo ‘yan dapat walang bitterness at tsaka dapat magkakaibigan lang. Kung saan siya masaya, doon tayo masaya,” ani Julia.

Dagdag pa ni Julia, approved naman daw sa kanya ang dalawa; “approved. Kung saan ang happiness, doon tayo.”

Sa kasalukuyan ay usap-usapan pa rin kung ano nga ba ang totoong relasyon nina Joshua at Bella.

Si Julia ang huling naging karelasyon ni Joshua. Taong 2019 nang sila ay naghiwalay matapos ang dalawang taong relasyon.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post