Ibinahagi ng isang netizen kung paano nakatulong ang teleseryeng “2 Good 2 Be True” upang maagapan ang stroke ng kaniyang lolo.
Sa Twitter ay ibinahagi ni Camille de Chavez na dahil sa panonood ng 2G2BT ay nalaman at nagamit niya ang FAST Method.

Sa isang episode kasi nito ay ginamit ni Kathryn Bernardo na gumaganap bilang si “Nurse Ali” ang FAST Method upang malaman kung bakit tila hindi maganda ang lagay ng kaniyang pasyenteng si Ronaldo Valdez na gumaganap bilang Hugo Agcaoili.
Matapos ang pagsusuri ay napansin ni Nurse Ali na nakararanas ng Facial drooping, Arm weakness, at Speech difficulty kaya nagdesisyon siyang oras na para humingi ng tulong (Time to call for help).
Kuwento ni Camille sa isang post sa Twitter, ginawa niya ang FAST Method na natutunan sa palabas kaya naman agad nilang nadala ang kaniyang lolo sa pagamutan.

“I just want to express my sincere gratitude to the whole team of #2GoodToBeTrue, especially @bernardokath for releasing an episode about stroke awareness. I was able to perform the FAST Method last night with my lolo,” sabi niya.
“Found out he had a stroke…thank God he was rushed immediately to the hospital. He is currently confined in the hospital so the doctors can monitor his condition. Good news is that his BP is normal now.”
Samantala, ibinahagi rin ni Camille ang natanggap na fruit basket, handwritten note, at video message mula sa 2G2BT.

Saad sa sulat: “Lolo Esing, We’re glad you’re recovering well po! Magpalakas at magpagaling po kayo. Sana po makatulong ang Too Good To Be True para mapangiti kayo. See you soon po! PS. Salamat sa pag-aalaga kay Lolo, Camille – Nurse Ali aka Kathryn B.”
Matatandaang maraming netizens ang nagpasalamat sa mga nasa likod ng 2G2BT dahil sa episode kung saan itinuro ang FAST Method.
“Ang galing ganun pla Yun F.A.S.T Ang Ganda na ng palabas may natutunan pa kmi in case of emergency,” sabi ng isang netizen.
Samantala, muli naing ibabahagi ang clip dito upang makatulong pa sa mas marami.