Isang estudyante sa Bulacan ang gumagamit ng unicycle para makarating sa paaralan.
Ibinahagi ng nag-upload ng video na si Jonathan Paa na nakikita niya itong nakasakay sa unicycle araw-araw, habang bitbit ang kanyang mga libro at bag.

Habang kinukuhanan ng video ni Jonathan ang estudyante, sinasabi naman nito na ” isang gulong lang oh, pauwe na estudyante. Panis kayo dyan, galing oh lupet oh.”
Dagdag pa niya, “May dala pang bag yan oh partida balanse hahaha…”
Paliwanag ni Jonathan, kaya unicycle lang ang gamit ng estudyante ay dahil wala silang kakayanan makabili ng mas magandang bike o service at sakto lang kasi ang kanyang baon sa araw araw; walang pamasahe kaya niya ginagamit ito.
“Mag-aaral dito yan sa tambubong malayo pa inuuwian nyan..yan lang daw service nya wala daw xa pamasahe sakto lang daw baon nya,” aniya.
Maraming naantig na netizens at nagkomento dito. ‘Yung iba ay nagboluntaryo upang magbigay ng mga kailangan ng bata.
Umani ang video ng 6.13 reacts, 3.7k shares. Hindi lang yon. May mabuting OFW din ang nag-donate sa kanya ng bike at binigyan pa ito ng cash allowance.
Komento ng isang netizen, “may mabuting loob na OFW nagpadala ng bike sa kanya at konting cash allowance. God is good all the time.”
Dagdag pa nito, “Sa tulong ng Reyes bike naideliver nang maayos ang bike na binayaran ng isang OFW.”

Basahin: Bawal sumuko: Estudyanteng nagtrabaho bilang saleslady, cashier, atbp nakapagtapos na rin sa kolehiyo.
May kuwento ng determinasyon pang isa; si Redeen Isabel Biene na may pitong iba’t ibang trabaho mula senior high school hanggang kolehiyo upang matustusan niya ang kanyang mga pangangailangan sa paaralan.
Nagsimula siyang mag-juggle sa trabaho at paaralan noong siya ay nasa grade 9 pa lamang.
Ang lahat ng kanyang libreng oras ay ginugol niya para sa paghahabol sa mga kinakailangan sa paaralan o paghahanapbuhay upang makatulong sa kanyang pamilya.
“Naranasan ko nga po ‘yung nasa work ako na mag e-exam, pagka umagahan ‘yung mga reviewers ko dinadala ko sa work ko. Minsan nasa storage room ako, nagre-review pa. Maging sa pagtulog niyo dapat iisipin niyo pa. Nire-review niyo pa sa isip niyo kung ano po ‘yung gagawin niyo pagka-umagahan, pagkabukas sa makalawa dapat lahat nakaplanado po lahat.” aniya.
