Ibinahagi ng drummer ng Eraserheads ang kanyang saloobin tungkol sa muling pagkikita ng iba pang miyembro ng Filipino alternative rock band kamakailan.
Ang Eraserheads ay isang Filipino alternative rock band na nabuo noong 1989 na kinabilangan nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro, at Raymund Marasigan.

Ang banda ay isa sa mga naging pinaka-maimpluwensya at matagumpay sa kasaysayan ng musikang Pilipino.
Nauna nang ibinalita ng mga miyembro ng banda na magkakaroon sila ng reunion concert.
Kamakailan, inamin ni Raymund Marasigan, ang drummer ng banda, sa music website na Bandwagon na ang muling pagkikita ng iba pang miyembro ng Eraserheads ay awkward.
“Obviously, we are famously not close, especially in the last few years,” saad ng dating drummer ng Eheads. Ngunit may exception naman kay Buddy Zabala, na nakikita niya umano nang regular; “because I see him every week.”

“With the four of us, it’s really, really awkward. We haven’t talked. We’ve been distancing from each other,” dagdag pa ni Raymund.
“Wala naman silang any issues. Then when it was finally over after a few minutes, I said, ‘I gotta go. I have a gig to play’,” sabi pa niya.
Nang sumunod nilang meeting ay awkward pa rin umano.
Pag-amin ni Raymund, “Tahimik eh. Walang usap.”

“The four of us are awkward together ever since — it’s nothing new. We’re not comfortable without equipment. We’re not comfortable with each other,” anito.
Sa madaling salita, musika lamang ang nagpapagaan sa pagkikita nila. Nang ilabas na umano ni Raymund ang portable speaker at sinimulan nila ang pagtugtog, saka pa lamang sila naging at ease o kampante sa presensya ng bawat isa at nagawa nang magtawanan.
“Tapos madali na. It was music [that helped us overcome awkwardness],” pagbabahagi ni Raymund sa Bandwagon. Sa pagitan ng tugtugan ay saka nila napag-usapan ang mga detalye kaugnay sa gaganaping concert.
Matapos ang photoshoot, bawat isa sa apat na miyembro ay nagtungo sa social media upang ipahayag ang kanilang nalalapit na reunion concert na ‘Huling l Bimbo’ sa ika-22 ng Disyembre sa SMDC Festival Grounds at nagpost din ng larawan na may letrang E– ang logo ng Eraserheads.
Ito ang unang pagtatanghal ng Eraserheads mula noong 2008 reunion concert nila, na natigil dahil sa inatake sa puso ang frontman na si Ely.
Na-disband ang Eraserheads noong 2002. Ang grupo ang nasa likod ng mga hit na kanta na “Ang Huling El Bimbo“, “With a Smile”, “Pare ko”, “Ligaya” at marami pang iba.