Trending ngayon sa social media ang host-aktres na si Toni Gonzaga matapos ianunsyo ang pagiging brand ambassador para sa e-commerce company na Shopee.
Bago ang rebelasyon, marami na ang naghihinala na si Toni na ang susunod na endorser ng brand kasunod ng isang teaser na ipinost noong Miyerkules, Setyembre 28. Nakumpirma rin ito sa isang media event noong Huwebes, Setyembre 29.
“FINALLY, makikilala niyo na siya 🙂
Drop your guesses and CATCH HER tomorrow at 3PM for the big reveal!” ayon sa tweet ng Shopee.
Sa isang media event kung saan siya opisyal na inanunsyo bilang Shopee Philippines ambassador, pinasalamatan ni Toni ang mga internet users para sa online engagement bago ang launching.
“Since yesterday we are trending, today we are grateful for our netizens for the mentions and engagements, they are the reasons why we are here today,” saad ng aktres.

Naging trending topic sa social media ang hashtags na #BoycottShopee at #ByeShopee kasunod ng mga promotional teaser videos na nagpapahiwatig ng pagsali ni Gonzaga bilang bagong ambassador ng kumpanya. Nag-number 2 trending naman sa Twitter.
Ilang social media users ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa Shopee at may mga nagbahagi na napilitan silang tanggalin ang application sa kanilang mga selepono.
Bumuhos ang samu’t saring reakyon mula sa netizens. Mayroong mga bumati sa aktres-host at mayroon ding mga hindi natuwa.
“OMG! Well. Just uninstalled shoppee app. Goodbye shoppee, hello Lazada!”
“Cancelled all my Shopee purchases.”

“Imbes na ipambayad n’yo dyan ‘yung pera, ibigay n’yo na lang sa mga empleyado n’yo.”
“Sana it’s not yet too late para matauhan si Shopee.. Hope they change their mind to get Toni G. as endorser. It will surely in any way affect their market.”
“Kawawang mga nilalang, napaghalataang mapapait pa rin….habang si Toni G. namamayagpag lalo.”
“Sa palagay ko naman hindi kawalan sa Shoppee ang mga iilang kontra kay Toni….bitter lang siguro sila.”
Naging kontrobersyal ang aktres matapos niyang ibigay ang kanyang suporta sa likod ng nanalong tandem ng 2022 national elections, sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.
Matatandaan na ang kanyang kapatid, ang vlogger-actress na si Alex, ay naging ambassador din ng Shopee.
