Dating VA, nakamit ang tagumpay sa kanyang itinayong chocolate business

Gaano man ibinagsak ng pandemya ang marami sa atin, hindi ito naging hadlang upang makamit ng ilang mamamayan ang hangarin nilang makabangon mula sa pagkakalugmok.

Isa si Michiki Liquete, 32-anyos, na naging successful sa kanyang itinayong chocolate business, ang Ricci premium truffles, noong panahon ng pandemya.

Ayon sa panayam ng ‘Philippine Star’ isang working mom si Michiki na kumikita na ng six-figure income dahil sa kanyang chocolate business.

Nagsimula umano ang kanyang business dahil lamang sa kanyang cravings.

“At that time, naghahanap ako ng dessert. Tapos ‘yung mga desserts ko, pare-pareho lang. Ba’t hindi ako gumawa ng mura, mas bago sa panlasa. Parang nagising ako isang araw sabi ko, ‘gagawa ako ng truffles'”

Hindi naman naging hadlang para kay Michiki ang kakulangan niya sa formal background sa pagluluto, dahil na-perfect naman niya ang kanyang truffles recipe kalaunan.

Pagdating naman sa packaging ay pinaganda pa niya ito para maging kaakit-akit sa mga buyer.

Kaya ang naging resulta ay nagustuhan talaga ng mga customers ang kanyang chocolate.

Bago pa man itinayo ni Michiki ang sariling business ay nagtrabaho ito bilang isang virtual assistant a loob ng siyam na taon.

Nung bago pa lamang ang kanilang business ay napagsasabay ni Michiki at ng kanyang asawa ang kanilang day job at business.

Ngunit hindi nagtagal ay napilitan silang mag-resign sa kadahilanang dumami ang kanilang orders.

Ayon kay Michiki, nung 2021 ay umaabot ng mahigit 2,000 hanggang 3,000 boxes ang kanilang orders kada isang linggo.

Pag-amin ni Michiki, one year pa lamang ang Ricci ay milyonaryo na umano sila.

Nagkaroon na rin sila ng sariling mini factory at four stalls sa iba’t-ibang malls sa Luzon.

Wala pang dalawang taon ay mayroon na silang mahigit 100 resellers at distributors nationwide.

Dahil sa sipag at tiyaga ay nakamit ni Michiki ang tagumpay sa kanyang business.

Pangarap naman ni Michiki na bawat mall na puntahan niya ay mayroong ‘Ricci’.

Plano na rin nila mag-offer ng franchising.

Payo ni Michiki sa lahat, “Passion lang dapat hindi mawawala. Follow lang ‘yung heart mo lagi. Be very hands-on, Be very ready na ibigay mo talaga ‘yung lahat mo as in 200% ‘Di mo bibilangin ‘yung pagod mo, ‘di mo bibilangin ‘yung oras mo, kasi kapag gano’n ka mag-isip, ‘di ka magfe-fail. sigurado ‘yan.”

“Pero kapag una pa lang ayaw mo na, ayaw mo mag-work more than eight hours, eh ‘wag mo na lang umpisahan.”

Panoorin ang feature video mula sa Philippine Star:

Post a Comment

Previous Post Next Post