Angelica may payo sa mga newcomer sa showbiz: 'Huwag kayong puchu-puchung mga artista'

Nitong Linggo, Nobyembre 27, isa si Angelica Panganiban sa ginawaran ng Loyalty Award bilang talent ng Star Magic sa katatapos lang na Star Magical Christmas thanksgiving party na ginanap sa Sheraton Hotel sa Pasay City.

Sa kaniyang talumpati bago tanggapin ang naturang award, sinabi nitong masaya siya sa natanggap na recognition subalit marami umano siyang nakasama at nakatrabaho para maabot ang kinaroroonan niya ngayon.

Pinasalamatan niya rin ang lahat ng kaniyang kasamahan lalo na ang mga taga ABS-CBN na malaki ang naging ambag para siya ay magtagumpay sa showbiz nitong nakaraang 28 taon.

Nag-iwan din ng payo ang Kapamilya actress lalo na sa mga baguhang artista na nagsisimula pa lamang sa industriya.

“Napapansin ko kasi napakaraming younger artists na nag-a-aspire na maging artista rin, na gusto ring tahakin itong kung anumang nangyayari sa amin. Alam n’yo, siguro, patience. Patience, tiwala, communication,” saad ni Angelica sa isang Tiktok video.

“Tatag ng loob. Paulit-ulit kayong susuko. Sasabihin n’yo, hindi yata ito para sa inyo. Pero magugulat na lang kayo, isang araw, binibigay nang binibigay, pinapamukha na para sa ‘yo nga yata,” wika pa nito.

Inamin rin ni Angge  na naniniwala siyang hindi siya naging ‘favorite child’ bagkus ay ibinigay sa kaniya ang karakter sna pagiging ‘maldita’ o kontrabida.

Pinaalalahanan niya rin ang mga batang artista na makinig at maging mabait sa lahat ng nakatatrabaho- staff , crew o utility – dahil baka dumating ang araw na maging boss na rin nila ang mga ito.

“Lahat ng PA na tinatawag kayo, ‘Ma’am Angge, kayo na po.’ Sasabihin n’yo, ‘Sige, mamaya na, kasi nakikipagkuwentuhan pa ako, nagpapa-make up pa ako.’ Ay, hindi! Susunod na, executive producer n’yo na po siya! At sasabihin niya, ‘Huwag n’yo kunin ‘to, matagal magpa-make up ‘yan!’” patuloy pa ni Angelica.

“Maging mabait kayo sa lahat. Huwag kayong puchu-puchung mga artista. Huwag kayong mga charot-charot! Ayusin n’yo from the beginning at gamitin n’yo ang talent ninyo,” wika nito sa huling bahagi ng kaniyang speech.

Panoorin ang video:

Post a Comment

Previous Post Next Post