Markadong pagganap ni Andrea Torres bilang ‘Sisa’, humakot ng papuri

Ang kaabang-abang na eksena ni “Sisa” ay ipinalabas na. At hindi nakagugulat na nag-trending sa Twitter si Andrea Torres, si “Sisa”, at pati na rin ang hashtag na “#MCIKumpisal”.

Labis na umantig sa puso ng mga nakapanood ang mapanakit na eksena kung saan tila tinatakasan na ng katinuan sa pag-iisip ang inang nangangamba sa sinapit ng kanyang mga anak.

Sino’ng ina ang hindi tatakasan ng bait kung hindi na nito masilayan muli ang dalawang anak niyang sina Crispin at Basilio?

 

Ito ang naipamalas ni Andrea sa napakabigat sa damdaming eksena… ang mailahad sa kanyang mga panaghoy at pagganap ang nilalaman ng puso ng isang inang nangungulila, nangangamba at nawawalan ng pag-asa.

Kaya naman kabi-kabilaan ang mga papuri at paghangang natatanggap ng 32-anyos na Kapuso beauty sa kaniyang matinding pagganap bilang si “Sisa” sa nobelang “Noli Me Tangere” ni Gat Jose Rizal, na kasalukuyang binibigyang-buhay ng drama fantasy series na “Maria Clara at Ibarra” sa GMA Network.

Madadala ka at mangingilabot sa panonood at pakikinig sa panaghoy ni Andrea bilang Sisa lalo na sa linyahang ginasgas man ng panahon ay humaplos pa rin sa mga nbakapanood. “Crispin, Basilio, ang mga anak ko!”

Kung gumaganap ka rin sa teatro, sa dula man o sa pelikula, malamang ay sasabihin mong ’emotionally draining’ ang pagganap na ito ni Andrea.

Ilan lamang ito sa mga reaksyon at komento ng netizens:

“Andrea Torres gave justice for her portrayal of Sisa and delivered an exceptional, award winning performance! What a revelation of her acting prowess! Kudos to GMA for this phenomenal series and continue to entertain with a purpose.”

“Grabe yung goosebumps ko dito, nanlaki din ulo ko lalo na nung unti-unti na siyang tinatakasan ng katinuan. Sobrang galing ng acting ni Andrea Torres. She gave justice to the role of Sisa”

“The wrath, pain, sorrow of a mother in one scene.”

“The best ka Ms. Andrea. You nailed your role as Sisa. This one scene alone is enough for an acting award. Congratulations!”

Sa Twitter ay lubos na nagpasalamat ang aktres sa pagbuhos ng papuri sa kaniyang pagganap.

“Ay grabe sasabog ang puso ko. Sobra kong naappreciate  (emoji)  Lalo na pag sinasabi niyo na di na lang basta baliw si Sisa sa paningin niyo. That’s the best (emojis)  #MCIKumpisal.”

“Tonight, GMA’s Maria Clara and Ibarra brought Sisa’s character to the next level, and viewers had the chance to understand the other side of the coin. Hindi ko kinaya ang bigat ng mga eksena. I think from now on, Sisa will no longer be a laughingstock. May this serve as an eye opener to everyone not to judge people based on their mental health.”

Patuloy pa rin ang paghanga ng netizens sa “Maria Clara at Crisostomo Ibarra” lalo na sa aktres na si Barbie Forteza bilang Klay.

“Kudos to the whole cast for embracing their roles. Cast, production, crews salute. Galing pang world class talaga.”

Samantala, kung hindi mo pa napapanood ang eksenang pumukaw sa marami, narito, panoorin mo na:

Post a Comment

Previous Post Next Post