Isang 75-anyos na lola na nagngangalang Rosalinda Pendon Ogsimer ang naging usap-usapan kamakailan dahil sa natapos nitong ‘fastest 10K run’
Sa hitsura nito sa viral na larawan ay hindi kapani-paniwala ang kanyang ginawa lalo na at 75-taong gulang na si lola. Mahahalata talaga na matagal na niyang ginagawa ang pagtakbo.
Sa Facebook page na ‘Pinoy Fitness’ ibinahagi nito ang larawan ni lola Rosalinda na nakasuot ng race shirt kung saan sumabak ito sa ‘Pinoy Fitness SUB1 10K ROAD Challenge’ pang 51 rank naman siya sa kanyang mga kasamahan.

Ayon sa ‘The Philippine Star’ matapos ang ilang pagkumbinsi mula sa kanyang panganay na anak, pumayag si lola Rosalinda na subukan ang pagtakbo noong siya ay 65 taong gulang pa lamang.
“It was a bad experience because my whole body was in pain. I told my son I would never do it again,” aniya.
Ngunit hindi sumuko ang kanyang anak at hiniling nito sa kanyang ina na gawin ang isang recovery run makalipas ang dalawang araw, kung saan ay tinanggihan naman niya.

Pagkatapos ng mahabang pag-uusap kaugnay sa puwedeng maging epekto nito sa kanyang pangkalahatang kalusugan, nagbago ang isip niya at nagpasya na bumalik sa pagtakbo.
Hanggang sa ginawa na ni lola ang regular training at sumali na rin sa maraming event mula sa 5k na inabot na niya ang 21k.
“It went on until we started doing regular training na and joining some events from 5K, 10K, to 21K. Hindi ito biglaan—konti-konti lang ang pag-increase ng km,” aniya.
Bagama’t hindi siya sumusunod sa regular na diyeta, ginagawa niya ang pagtakbo nang tatlong beses sa isang linggo-tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

“Kahit pandemic, hindi ako nagmi-miss. Kahit mabagal, basta makatakbo. Kapag naumpisahan mong ihinto, para ka na namang nag-umpisa e.”
“I don’t compete with anyone. I just enjoy what I’m doing and at the same time, motivating and inspiring newbies. It’s also about having the determination to do it religiously, making time for it, persevering, and believing in yourself.”
Nakabibilib naman siya talaga!