Nahirapan mang makabangon, tila handa na muli si Moira De La Torre sa panibagong ‘season’ ng kaniyang personal na buhay at musical career.
Matagal ding nanahimik ang tinaguriang ‘Queen of Hugot Songs’ bago nagsalita tungkol sa hiwalayan nila ng dating mister at singer din na si Jason Marvin Hernandez.
Sa launching ni Moira bilang bagong recording artist ng Republic Records Philippines, pinaunlakan niya ang panayam ni MJ Felipe para sa ABS-CBN News.
“I am better than I expected. I don’t remember being able to breathe this way and being able to enjoy what I have and mourn what I can’t have,” bungad ni Moira nang kumustahin ang kaniyang kalagayan.
Hindi man tuwirang binanggit ang tungkol sa diumano’y pagtataksil ng kaniyang dating asawa, inamin naman ni Moira na pagpasok pa lang ng taong 2022 ay ramdam niya na papasok siya sa ‘bagong season’ ng kaniyang buhay subalit hindi umano niya alam kung ano ito.
Katapusan ng nakaraang Mayo nang tuluyang inamin ni Jason na hiwalay na nga sila ni Moira at siya umano ang nag-cheat sa kaniyang misis.
Ayon naman sa Kapamilya singer, nawalan siya ng drive na gumawa ng kanta dahil sa nangyari. Nahirapan din daw siyang makabangon subalit tinanggap niya na isa iyong proseso na kailangang daanan.
“I don’t remember being able to feel the way that I do now. I wasn’t aware that I was so numb for a long time. But now I’m in the season where I finally know my worth and I finally get to take care of myself. I am just enjoying life whether it’s a good day or a bad day. I’ve learned to embrace whatever I wake up to,” bahagi ni Moira.
Subalit kailangan niya umanong bumangon ulit at para gawin ito ay may mga dapat siyang bitawan at layuan, kabilang na ang ilang dating malalapit na tao sa kaniyang buhay.

Dahil sa kaniyang pinagdaanan, mas lalo pa raw siyang naging malakas at matapang ngayon.
“I thought this season would make me more scared. But God works in mysterious ways and definitely used my weakness and made it into strength,” patuloy pa ni Moira.
Para naman sa tanong na handa na ba siyang magmahal muli, sagot ng ‘Paubaya’ singer: “I’m open. I’m not in a season anymore that I’m trying to control the narrative. I’m not in the season where I can manipulate it so when I enter, I am not scared. I’m in the season where I am open to what God gives me.”
Nilinaw rin ni Moira na hindi siya naghahanap ng mamahalin dahil alam niyang darating ito sa kaniya nang kusa.