Mimiyuuuh ibinahagi ang mga aral sa kaniyang unang heartbreak

Ibinahagi ng vlogger na si Mimiyuuuh ang naging karanasan niya sa unang seryosong relasyon na nauwi rin sa kaniyang unang heartbreak.

Ani Mimiyuuuh, gusto niyang ibahagi ang kaniyang naging karanasan dahil alam niyang marami ring dumadaan sa ganitong sitwasyon at hiling niya na sana ay may matutunan din sila.

“Gusto ko pong i-share sa inyo yung mga pinagdaanan ko po and sana po ay may matutunan kayo sa aking heartbreak season. Kahit papaano po, I’m super excited to do this video kasi for sure merong mga taong nakaka-undergo ng mga ganitong breakups,” aniya.

“Always remember na time heals everything. Malungkot ka ngayon pero darating yung panahon na tatawanan mo na lang yung mga ganitong experience.”

Kuwento ni Mimi, nagkakilala sila sa isang dating app at matapos ang ilang date ay nagkapalagayang-loob sila. Kalaunan ay kinailangan nilang magkalayo dahil mag-aaral sa ibang bansa ang kaniyang partner.

Pag-amin niya, umabot sa puntong naging toxic siya at hindi direktang sinasabi ang kaniyang mga saloobin.

“Akala ko, pag gusto ko ng lambing, hindi ako mamamansin, pakiramdaman mo ko. Dapat malakas ang pakiramdam mo. Mali po pala ‘yun. Kasi kapag gusto mo ng something, sabihin mo. Ang mga jowa natin, hindi po ‘yan mga mind reader at hindi po ‘yan si Kuya Kim na mape-predict niya po na at this time ay totoyoin po tayo. So kung gusto mo ng lambing, sabihin mo.”

Kaya naman nang magtampo siya sa partner nang hindi ito mag-abalang surpresahin siya sa kaniyang kaarawan ay sinabi niya rito ang nararamdaman. Kinabukasan naman daw ay nagpadala ito ng bulaklak sa kaniya at nagkaayos na rin sila.

Laking gulat na lang ni Mimi nang mabasa ang breakup message galing sa partner pagkatapos ng kaniyang trabaho sa ibang bansa.

Ngayon ay naka-focus si Mimi sa pag-improve ng kaniyang sarili.

“Totoo po talaga ang self love. Before you get into a relationship, make sure na you really love yourself. And if you really love yourself, you don’t have to beg for anything kasi nga alam mo sa sarili mo na kawalan ka gt kung mahal mo ang sarili mo, alam mo kung ano ang deserve mo, and we all deserve the best.”

Panoorin dito ang vlog ni Mimiyuuuh.

Post a Comment

Previous Post Next Post