Vice Ganda namigay ng P300K sa staff ng ‘It’s Showtime’; humingi rin ng paumanhin

Isang maagang pamasko ang natanggap ng staff ng It’s Showtime mula kay Vice Ganda bilang pasasalamat ng host na itinaon din sa pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo ng noontime show.

Emosyonal si Vice habang nagbibigay ng mensahe matapos ang kanilang performance ni Amy Perez sa ‘Magpasikat’ portion ng programa.

“Maraming, maraming salamat. Napakalaki ng ginagawa niyo para sa programang ito. I would personally like to apologize kung meron tayong minsan hindi pagkakaunawaan,” wika ng Unkabogable Star.

“Lahat ‘yun, nangyayari lang dahil pinpilit nating gampanan ang ating mga obligasyon para sa program, sa audience natin, sa network. Lahat naman ng iyon, all coming from love. Hindi maiiwasan iyon sa isang pamilya,” dagdag pa ni Vice.

Ilan sa mga staff ay naging emosyonal din at napaiyak pa ang ang iba habang nakikinig sa mensahe ng comedian host.

“I love you and I apologize. Lahat naman tayo may pagkukulang at sablay sa isa’t isa. Ako na muna ang mangunguna — we apologize for our shortcomings. Anniversary natin, eh. Araw natin ito, ng pamilya natin,” patuloy pa ni Vice Ganda.

Napalitan naman agad ng tuwa at saya ang mukha ng mga staff matapos tanungin ng komedyante kung ilan sila lahat at inanunsyo ang kaniyang surpresa para sa kanila.

“Mamaya, P300,000 para sa inyo, pang-early Christmas bonus!” masayang banggit ni Vice habang naghihiyawan sa tuwa ang mga staff.

Samantala sa kanilang ‘Magpasikat’ performance ni Amy, binigyang-pugay ni Vice ang mga tao at manggagawang may kapansanan lalo na yaong mga bingi na ginagamit lamang ang mga kamay upang makagawa ng mabuti sa kapwa.

Aniya, napaisip siya noon na maraming tao ang mayroong mga kamay subalit ginagamit naman ito para gumawa ng hindi mabubuting bagay tulad na lamang umano ng paggawa ng fake news sa kapwa, bagay na napagdaanan niya rin noon.

Panoorin ang video:

Post a Comment

Previous Post Next Post