Vloggers inireklamo ng isang resort sa Davao Oriental dahil sa iniwang ‘kalat’ sa nirentahang family villa

Inireklamo ng isang resort ang dalawang vloggers na nag-check in sa kanilang villa at diumano’y nag-iwan ng mga kalat na basura noong isang araw.

Ayon sa Facebook post ng JAKKA Beach Resort,  nalulungkot daw sila sa iniwang ‘hindi magandang karanasan’ ng mga naturang influencers dahil napakagulo ng mga kuwarto at punong-puno ng basura ang bawat sulok na makikita batay sa mga ibinahagi nilang larawan.

“Our resort is not just an ordinary resort, for we serve and make sure that our services fits your needs. We are very saddened that we need to experience this kind of chaos to our Family Villa (pictures posted),” wika ng kanilang post.

Pinangalanan din sa naturang Facebook post ang dalawang vloggers na naka-tag pa mismo.

“We considered your plead and attend all your concerns yet this is what you did to our Villa so what else can we say but THANK YOU . We are hoping that you will not do the same to your future destinations,” saad ng JAKKA.

“We know that our soon to be guest will never do this kind of dirt to our resort because they will choose to stay in calm and unwind than to do stuff like this,” dagdag pa nito.

Hati naman ang opinion ng mga netizens tungkol sa reklamong ito ng resort.

Habang may sumang-ayon na parang ‘nabalahura’ nga ang mga iniwang kuwarto ng vloggers, mayroon namang nagsabing dapat ay tanggapin ng mga resorts ang ganitong pangyayari.

Hindi naman daw talaga obligasyon ng mga guests ang maglinis ng kuwarto dahil kasama ito sa trabaho ng staff.

Nasa guest na rin daw kung gusto nilang linisin ang ginamit na kuwarto bilang respeto at repleksyon ng kanilang ginagawa sa kanilang bahay subalit kasama umano talaga ang mga iniwang kalat at basura sa lilinisin ng resort.

Payo naman ng iba, sana raw ay nag-usap na lamang nANg pribado ang resort at ang vloggers at hindi na idinaan pa sa social media ang isyu.

Bukod dito, dahil nga pinangalanan ng resort ang dalawang vloggers sa kanilang post, maaaring paglabag daw ito sa privacy ng kanilang guests.

Kaugnay nito, naglabas na ng pahayag ang management ng JAKKA at humingi na ito ng paumanhin sa publiko:

“It is not our intention to publicly shame or embarrass the guests of our resort by tagging them in our post. The only reason that we posted the unsightly pictures of the resort is for public awareness,” ayon sa pahayag ng JAKKA.

Post a Comment

Previous Post Next Post