Viral ngayon sa social media ang isang magandang teacher sa Caloocan City dahil sa kaniyang ‘pangmalakasang’ OOTD na talagang hinangaan at pinusuan ng mga netizens.
Ibinahagi ng Facebook page na Teachers Be Like ang ilang larawan ni Ma’am Mary Ann Garcia Ablihan dahil mistula itong beauty queen na magrarampa sa entablado.

“Kabogera ‘tong kumare kong si Mary Ann Garcia Ablihan Porke tapos na gumawa ng grades,” pabirong caption sa larawan ni Ma’am Mary Ann, isang teacher sa Bagong Silang High School.
Umani ng halos 2K Reactions, 268 Shares at mahigit 200 comments ang litrato ni Ma’am mula sa mga Facebook users na humanga sa kaniyang outfit at kagandahan.
“Single pa rin yan hanggang ngayon. Jowain nyo naaa hahaha,” ayon pa sa Teachers Be Like.
Narito naman ang ilan sa mga nakatutuwang komento ng netizens:

“Si ma’am habang papunta sa Binibining Pilipinas para magfile.”
“Ang ganda nung car sa gilid, btw taga saan si ma’am?”
“Sana ganto rin ako kaganda pag nakatapos na ako gumawa ng grade!!”
“Ganito pala dapat pag tapos na gumawa ng grades sa hangin.”
Kuwento ni Ma’am Mary Ann sa Pilipino Star Ngayon Digital, tuwing Biyernes ay ganun daw talaga ang outfit niya dahil iyon ang wash day nila.
Pinayuhan niya rin ang mga kapwa-guro na kahit busy sila sa kanilang trabaho ay bigyan din ng oras ang sarili para mag-enjoy.
“Carpe diem! Despite of busy schedules na mayroon ang isang guro, we still need to live our life to the fullest,” wika nito.
“We should take our chances in life grabbing every opportunity but never neglecting loving and taking yourself as well. Kasi at the end of the day, it would be still you that matters. Kaya mahalin at alagaan pa rin ang sarili,” dagdag pa ni Ma’am Mary Ann.