McCoy de Leon at Elisse Joson hiwalay na nga ba? Isang influencer daw ang third party?

Usap-usapan ngayon ng mga Marites sa social media ang diumano’y kumpirmasyon na hiwalay na nga ang mag-partner na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Ito ay matapos ibahagi ng isang Tiktok user ang larawan ni McCoy katabi ang isang babae na itinuturong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pinangalanan at kinilala pa ng ilang news outlet ang naturang babae na isa umanong Tiktok influencer  bagama’t hindi tiyak kung edited ba o tunay ang larawang magkasama ang dalawa.

Wala ring kumpirmasyon mula kina McCoy at Elisse tungkol sa kanilang paghihiwalay subalit noong Disyembre pa umano ay mayroon nang indikasyon na may problema nga sa kanilang relasyon.

Hindi na kasi sila nagpo-post ng mga larawan na magkasama tulad dati; bagkus ay laging magkahiwalay at ang kasama lamang nila sa litrato ay ang kanilang isang-taong gulang na anak na si Felize McKenzie.

Kinuyog naman ng mga netizens si McCoy  dahil sa ginawa umanong ‘pagtataksil’ nito sa kaniyang partner.

Dismayado ang kanilang fans dahil hindi umano sila makapaniwala na magagawa ito ng dating #Hashtag member kay Elisse.

“Sayang lang paghanga ko sa kanya, akala ko totoong mabait, mapagmahal sa pamilya marespeto, puro kasinungalingan lang  pala lahat,” ayon sa isang Twitter user.

“Men are trash talaga ano? No matter how you try to defend yourself but cheating is a choice and is a mistake. And you can never justify it,” tweet naman ng isa pa.

Marami ring fans ang naghihinayang sa kinauwian ng relasyon nina McCoy at Elisse.

Taong 2018 kasi ay naghiwalay na ang dalawa dahil sa problema rin sa kanilang relasyon subalit muling nagkabalikan noong 2021. Oktubre ng taong din yun ay kinumpirma ni Elisse na isinilang nga niya ang kanilang unang anak na si Felize.

Unang nagkakilala ang dalawa sa set ng sikat na teleseryeng ‘Be Careful With My Heart’ subalit noong 2017 lamang sila umaming may relasyon matapos kapwa maging housemates sa ‘Pinoy Big Brother’.

Samantala, kapwa tikom pa rin ang bibig nina McCoy at Elisse tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Post a Comment

Previous Post Next Post