New Year, new love life? Kylie Padilla nagbakasyon sa Thailand kasama ang 'rumored BF'

Sinalubong ng aktres na si Kylie Padilla ang bagong taon na may bagong love life?

Kamakailan lamang, ibinahagi niya sa social media ang ilang mga larawan at video ng kanyang paglalakbay kamakailan sa Thailand.

Sa ilan sa mga snaps ay ipinasilip nito ang isang lalaki na may tattoo at magkahawak ang kamay nila habang pasakay sa tren.

“Wandering with another fellow wanderer,” saad sa caption ng aktres sa kanyang Instagram account; isang pahiwatig na may kasama siya sa paglalakbay.

Maraming netizens ang nag-react sa post; may nagsasabi na ang lalaki umano ay ang tattoo artist na si Jinno John Simon.

“Have fun with your BF. Hope you have found your TL. Enjoy”

“Enjoy the vacation trip with your boyfiee”

May isang follower naman ang nagkomento at napakanta na lamang, “nagloko ka rin naman, ‘di ka lang nahuli.. pero bakit sa akin mo lahat isinisisi’. napakanta tuloy ako.”

Unang na-link si Kylie kay Jinno noong nakaraang taon nang namataan umano siyang nakikipag-cozy sa huli sa Daraitan, Rizal ayon sa ilang ulat ngunit hindi naman ito kinumpirma ng dalawa.

Matatandaang minsan ay binasag ni Aljur ang katahimikan at tila nagpahaging na si Kylie ang unang nangaliwa.

“Breaking silence.. Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know. I have no hate for them despite of all the attacks and accusation they have towards me,” ayon sa isang Facebook post ng hunk actor noong Oktubre 19.

Noong 2021, kinumpirma ni Kylie ang kanilang paghihiwalay ng estranged husband.

Basahin: Kylie Padilla itinanggi ang usap-usapang may relasyon sila ni Gerald Anderson

Basahin: Aljur Abrenica may Christmas gift kay Kylie Padilla; ‘Commitment na I’ll always be there for her and our kids’

Post a Comment

Previous Post Next Post