Ivana Alawi nasa Top 10 ng ‘100 Most Beautiful Faces’; Lisa Soberano, Janine Gutierrez pasok din

Tatlong naggagandahang Pinay celebrities ang muling nakapasok sa ‘100 Most Beautiful Faces’ para sa taong 2022 ng website na TC Candler.

Nanguna sa mga Filipina beauties ang vlogger at ‘Partners in Crime’ star Ivana Alawi na nasa pang-6 na puwesto; mas mababa kumpara sa ika-4 na puwesto na nakuha niya noong 2021.

Taong 2020 nang unang makapasok si Ivana sa nasabing listahan kung saan nasa ika-11 puwesto siya.

Muli ring nagbalik si Lisa Soberano na bumaba rin sa ika-23 na puwesto mula sa ika-18 noong nakaraang taon.

Taong 2017 nang manguna si Lisa sa listahan ng ‘Most Beautiful Faces’ at ito na ang ikawalong pagkakataon na siya ay nakasama rito at itinuring na bilang isang ‘Hall of Famer’.

Samantala, umakyat naman sa ika-51 na puwesto ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez mula sa ika-78 noong 2021.

Pasok din sa listahan ang sikat na Fil-am Tiktoker na si Bella Poarch na umakyat sa ika-80 na puwesto mula sa ika-95 noong isang taon.

Ang ‘100 Most Beautiful Faces ‘ ng TC Candler nitong taon ay pinangunahan ni Victoria’s Secret model Angel Jasmine Tookes.

Pumangalawa kay Tookes si Nancy Jewel ng MOMOLAND habang sumunod sa kanila sina Lisa ng Blackpink (pangatlo); Ukranian influencer at vlogger Dasha Taran (pang-apat); at Thai musician at dating H1-Key member Sitala.

Sumunod naman kay Ivana sa ika-7 puwesto si Israeli model at actress Yael Shilbia; Egyptian actress Mai Omar (pangwalo); South Korean Kpop singer Nana (pangsiyam); at Taiwanese singer Tzuyu (pangsampu).

Samantala, naglabas din ang TC Candler ng hiwalay na listahan ng 2022 ‘100 Most Handsome Faces’ na pinangunahan nina Henry Cavill (Top 1); Hyun Jin (ika-2); Timothee Chalamet (ika-3); Chris Hemsworth (ika-4); at Keung To (ika-5).

Wala namang Pinoy male personality na nakapasok sa naturang listahan para sa taong ito.

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post