Sarah G. sobrang thankful sa patuloy na suporta ng mga fans: 'Grabe ang aking pasasalamat sa inyo'

Ramdam na ramdam ng mga fans ni Sarah Geronimo na talagang taos-puso ang pasasalamat ng kanilang idolo dahil hindi nila ito iniwan at patuloy na sinusuportahan nitong mga nagdaang taon.

Nitong nakaraang Linggo, Enero 1, muling napanood ang Popstar Royalty sa ‘ASAP Natin ‘To’ kung saan inawit niya ang bago niyang single na “Cuore”.

Matapos ang kaniyang performance ay nagbahagi ng mensahe si Sarah sa kaniyang loyal fans na kung tawagin ay ‘Popsters’.

“Grabe po… grabe ang aking pasasalamat sa inyo. ‘Yung walang sawang naghintay, sumuporta,” ani Sara.

“At even yung mga tao na talagang positive pa rin ang pagtanggap sa akin, kahit na meron akong iba’t ibang choices sa buhay ko personally, nandiyan pa rin sila. Maraming, maraming salamat po. You know who you are,” dagdag pa ng singer-actress.

Isa sa mga naging hiling ni Sarah nitong Pasko ay makapiling sana niyang muli ang kaniyang mga mahal sa buhay, na ang tinutukoy ay ang sariling mga magulang at kapatid.

Mahigit dalawang taon na nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Sarah at ang kaniyang Mommy Divine matapos magpakasal ang singer kay Matteo Guidicelli; bagay na tinutulan at hindi matanggap ng kaniyang ina.

Samantala, ibinahagi rin ng Popstar Royalty ang dahilan kung bakit siya pansamantalang nagpahinga sa showbiz.

“The reason bakit po ako nagpahinga nang konti, I really want to offer… ang ating pong listeners ng original songs. Iba kasi talaga when you sing your own song,” paliwanag ng Kapamilya aktres.

“’Yung OPM talaga, iba po sa pakiramdam. Di ba? ‘yung suporta natin sa sarili nating musika,” saad pa nio.

Huling napanood sa big screen si Sarah taong 2019 sa pelikulang ‘Unforgettable’ kung saan nakasama niya sina Gina Pareño, Ara Mina, Meg Imperial, Kim Molina at ang asong si Milo.

Ang pelikulang ito na idinirehe nina Jun Lana at Percy Intalan ay siya ring nagpanalo kay Sarah ng Best Actress Award sa 4th Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards.

Panoorin ang ASAP performance ni Sarah:

Post a Comment

Previous Post Next Post