Maraming estudyante ang nakararanas minsan ng antok sa tuwing nagtuturo ang kanilang guro lalo na sa mga oras na alanganin (1-3 pm) pero depende siguro ito sa kung paano sila magturo.
Ang iba ay sinasamahan ng jokes or ‘di kaya ay nagpapatawa habang nagsasagawa ng klase. Sari-saring activity ang sinusubukan para ‘magising’ ang mga inaantok.
Sa ibinahaging video ng guro na si Teacher Clinton Miguel, taga-San Fernando, Pampanga, hinangaan siya ng mga netizens dahil sa kakaibang paraan nito sa pagtuturo sa kanyang mga estudyante.
“Transforming the classroom environment and regular activities into a game show,” aniya sa kaniyang caption.

Dahil sa kakulangan ng mga kagamitan sa pag-aaral, pinili niyang gamitin ang kanyang personal na gamit sa pagtuturo upang mapabuti pa ang karanasan sa pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral.
Ayon sa 28-anyos na MAPEH teacher, nagpasya siyang magsagawa ng isang game-based learning technique upang mapabuti ang mga marka ng kanyang mga estudyante.
“Napansin ko din po sa mga generation ng mga bata talaga, ‘yung traditional way ng pagtuturo minsan talagang natutulog sila. Kaya naisipan po talagang mag-innovate for them para kahit papaano tumaas ang kanilang score sa exam.”

Dagdag pa niya, naging epektibo naman ang kanyang paraan.
“I find it very effective may impact po talaga siya sa mga bata. Tumatatak po talaga ‘yung lesson sa kanila kapag ganun ‘yung ginagawa,” aniya sa ‘The Philippine STAR.’
Isinasagawa niya ito kada quarter para matulungan ang kanyang mga mag-aaral na mag-review para sa mga pagsusulit.
“As per my school head, sobrang grateful niya na napaka-innovative ko daw. Sa mga co-teachers ko naman, na-iinspire naman po sila na gawin. Lagi ko po silang tinuturuan. Sa mga bata po, mas gusto po nila. Mas nag-improve po ‘yung mga scores nila sa exam po nila. Sa mga parents po, masayang-masaya po sila dahil ‘yung mga anak po nila ganado po sa subject namin. Bukambibig daw ako ng mga bata.”

Pinuri naman ng mga netizens ang guro.
“I think pwede ‘to gamitin if magpapa-graded recitation para hindi mahiya ang mga students na sumagot! nice concept, sir!”
“Ang creative! sana noon meron kaming ganyan kaso antok kami lalo 1pm class HAHAHHA.”
“Kami din kanina may pa ‘game kana ba?’ pero ‘yung mga questions related sa topic hahahahah ansaya.”
Panoorin ito at ang iba pang videos ng game show sa Tiktok:
