Matatandaan na si Ogie Diaz ang dating manager ni Liza Soberano nang una nitong tahakin ang mundo ng showbiz. Kaya naman hindi maikakaila ni Ogie na laging naroon ang kanyang pag-aalala o concern sa kanyang dating alaga na ngayon ay si James reid na ang may hawak.
11 years na hinandle ni Ogie ang showbiz career ni Liza at iginalang naman niya ang naging desisyon ng 25-anyos na aktres na nagnais sumubok sa direksyon ng Hollywood. Hindi naman niya ito hinadlangan.
Aniya, “Ang sine-save ko kasi, ‘yung friendship kasi alam mo ‘yung ang haba ng panahon na pinagsamahan n’yo e. Hindi mo dapat sayangin ‘yun…”

Nag-usbungan ang mga usap-usapan matapos magulantang ng mga netizens sa ‘pagkawala’ ng kanyang mga posts at mga larawan sa kanyang social media accounts at muli niyang pagpo-post dito. No, hindi pala na-hack. Sabi naman ni host Boy Abunda, isa lamang itoing rebranding dahil nga sa tinatahak na bagong direksyon ni Liza.
Basahin: James Reid to manage Liza Soberano, Ogie Diaz confirms
Tinawag din itong new beginnings lalo pa’t ipinahiwatig ni Liza sa kanyang balik IG post na “Dare I dream a flower’s dream?”
Maraming naguguluhan sa career path na tinutungo umano ni Liza. Nagpunta na kasi ito sa Los Angeles, sa Estados Unidos at doon na muna mananatili nang walang linaw kung hanggang kailan.
Hindi napigilan ni Ogie na maglabas ng kanyang saloobin para sa kanyang dating alaga matapos niyang mabasa ang mga sinasabi ng netizens kaugnay kay Liza.

Sa kanyang vlog ay inilabas niya ang kanyang sariling paninimbang. “Nanghihinayang ako sa career ni Liza… Siyempre nahu-hurt ako bilang former manager na nakakabasa ako ng ‘Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya? Bakit nag-iiba na siya ng direksyon? Bakit noong nandoon pa siya sa ABS-CBN o kay Ogie Diaz maganda naman o maayos naman ang palakad sa kanya? Bakit nagiging fan na lang ng Kpop si Liza?’ Yung mga ganoon,” ani Ogie.
Dagdag pa niya, “Siyempre hindi ko naman alam ang isasagot ko sa mga fans dahil unang-una, hindi na ako ang manager. Nanghihinayang lang ako kasi pinaghirapan naming lahat ito. kung nasaan siya nandoon.”
Nag-aalala rin si Ogie kaugnay sa mga endorsement projects ni Liza na naka-base sa Pinas.

“Siyempre hindi natin alam kung yung mga suki ng endorsements ng mga brands ni Liza ay uulit pa lalo na’t hindi nila nakikita locally o sa mga palabas sa TV si Liza dahil pinili na nga niyang sa US sumubok at magbaka-sakaling makilala siya,” aniya.
Pagpapatuloy ng 53-anyos, “Siyempre alam ko naman ang kabuhayan nila Liza. Alam ko naman na lahat ng meron siya ngayon ay dahil rin sa kanya, sa pag-aartista niya. Hindi naman siya bago nag-artista ay mayaman na sila… Kaya ako nanghihinayang ako bilang former manager doon sa mga nakakawalang proyekto para kay Liza… kasi hindi rin naman nagkulang ang ABS-CBN ng pitching sa kanila ni Enrique Gil… pero wala silang inaaprubahan.”
Nagbigay din siya ng mensahe para kay Liza. “Anak, basta masaya ka dyan. Importante, masaya ka.”
On the bright side, nakakuha na ng acting project si Liza at kabilang na siya sa cast ng “Lisa Frankenstein” kasama nina Cole Sprouse at Kathryn Newton.
Sa naging panayam ng CNN kay Liza noong Agosto 2022 ay nagbahagi ito ng kanyang mga karanasan sa filming ng nasabing pelikula. Blooming at mukha namang super happy ang aktres. Ibinahagi rin nito na nais kasi niyang makiklala bilang isang global actress at artist.
“Liza Soberano is living her Hollywood dream. The Filipina actress is currently filming in the United States for her first Hollywood movie ‘ Lisa Frankenstein’…” ayon sa caption ng CNN video.
Panoorin: