Ang Boholana Belgian beauty queen na si Pauline Amelinckx ay muling nakapasok sa Top 40 sa final screening ng Miss Universe Philippines. Ito ang pangatlong pagkakataon na muling sasabak ang dalaga sa national pageant.
Noong nakaraang taon, nasungkit ni Pauline ang titulong Miss Universe Charity kung saan si Celesti Cortesi ang kinoronahang Miss Universe Philippines. Noong 2020 naman ay nakuha ng dalaga sa kompetisyon ang puwestong 3rd runner-up kung saan si Rabiya Mateo naman ang nanalo.
Hindi niya pinalampas ang huling pagkakataon para siya ay sumabak muli sa kompetisyon dahil siya ay nasa age limit na.
Ayon kay Pauline sa kanyang Instagram post, naging emosyonal siya sa suporta na ipinakita ng kanyang mga tagahanga.
“I’m honestly still super emotional about everything but it’s mostly feelings of happiness, excitement, and a whole lotta GRATITUDE for all the support i’ve been receiving 💙✨ im really lost for words,” ayon sa kandidata.
Sinabi rin niya na ang kanyang pagsali sa kompetisyon sa pangatlong pagkakataon ay hindi last-minute decision.
“A lot of people asked me if this was a last minute decision. but I had been pondering on this for months, tbh. I talked to those I trust and those dear to me. and all the while still receiving sweet and supportive messages of so many people,” dagdag pa niya.

Ayaw din niyang pagsisihan ang kanyang desisyon na hindi tumuloy sa paglahok dahil nasa kanya pa ang ambisyon at gigil para masungkit ang korona.
“I trust my gut feeling. and I feel like I could still step up, bring people together for meaningful causes and be transformed myself. I also knew and felt I would regret it if I didnt take this leap of faith for my final round with MUPH. so I thought if I still have this passion and ambition in me, and the support is overflowing, what the hell am I waiting for? This is my NOW. My PUHON transforming into KARUN” 💙✨

