286M: Kilalanin ang babaeng may pinakamaraming Instagram followers sa buong mundo

Sino nga bang celebrity lady ang may hawak ng record pagdating sa may pinakamaraming followers o fans sa Instagram?  Who else kundi ang 24-anyos na si Kylie Jenner!

Image via Instagram

Ang isang paraan para maging updated ang netizens sa kanilang mga iniidolo ay ang Instagram, isang popular na social media application. Ito ang kadalasang ginagamit ng mga sikat na artista at personalidad sa buong mundo upang magbahagi ng mga kaganapan sa kanilang buhay at career. Nagagamit din nila ito upang mag-promote ng kanilang mga proyekto at businesses at mamintini ang kanilang popularidad.

Isang celebrity ang kauna-unahang babae na nakaabot ng 200 million Instagram followers na ngayon ay umabot pa sa mahigit 286M as of posting.  Siya ay walang iba kundi si Kylie Kristen Jenner na mas kilala bilang Kylie Jenner.

Image via Instagram

Siya ay 24-anyos, isang American media personality, socialite, model, at businesswoman. Nagsimula siya sa E! reality television series na ‘Keeping Up with the Kardashians’ mula 2007 hanggang sa kasalukuyan. Siya ang nagtatag at may-ari ng cosmetic company na Kylie Cosmetics. May 3-anyos na anak na babae sila ng kanyang partner na si Travis Scott, si Stormi, na sa susunod na taon ay magkakaroon na ng kapatid. Si Scott (Jacques Bermon Webster II sa totoong buhay), ay isang popular na  American rapper at record producer. Nitong nakaraang buwan ng Nobyembre ay naging laman ng headlines ang rapper dahil sa trahedyang naganap sa kanyang Astroworld concert.

Ibinabahagi ni Jenner sa kanyang social media accounts ang kanyang mga produkto na siya mismo ang nagsisilbing modelo at nag-eendorso. Bukod sa beauty products ay mayroon din siyang baby products.

Images via Instagram

Dati niyang hawak ang top spot sa most liked Instagram post, at marami siyang posts sa IG na talaga namang humahakot ng milyon-milyong likes. Nagbabahagi siya ng mga updates na nakatuon sa kanyang trabaho, personal na buhay, maraming baby pictures ng kanyang anak at ng kanyang partner na si Scott.

Masasabing kamakailan lang ay ‘neck to neck’ ang kanyang record sa sikat na soccer player na si Lionel Andrés Messi, na mas kilala bilang Leo Messi na may 287M nang followers sa IG.  Naungusan na nito si Jenner.

Si Messi ang ‘forward’  sa Ligue 1 club Paris Saint-Germain at captain ng Argentinian national football team. Bilang isa sa mga world-famous players, ang IG account ni Messi ay maraming larawan ng kanyang paglalaro ng soccer bukod sa personal niyang buhay at mga dinadaluhang events at iba pang pagtitipon.

Samantala, ang most followed human sa Instagram ay si Cristiano Ronaldo na may 366 milyon na followers; Forward ng team Juventus at captain ng national Portuguese team.

Ang Top 1? Siyempre, ang official account ng Instagram  na may  447m followers…and counting!

Post a Comment

Previous Post Next Post