Abby sa balikan nila ni Jomari pagkalipas ng halos 30 taon: Ito na ’yon, this is the last stop na

Young love — ito ang pinagsaluhan ng noon ay 15 anyos pa lamang na sina Abby Viduya at Jomari Yllana; isang pagmamahalang hindi nagtagal dahil masyado pa silang mga bata para sa isang relasyon. Ngunit pagkalipas ng halos 30 taon, natagpuan muli nila ang daan sa piling ng isa’t isa. At naniniwala silang ito na ang tamang panahon para sa “forever” nilang dalawa.

Sa isang press conference courtesy of Viva Artists Agency, itinanong kay Abby, na may screen name na Priscilla Almeda, kung nakikita na ba niya ang sariling tatanda sa piling ng kanyang first boyfriend at ngayon ay partner niyang muli na si Jomari. Mabilis at masayang sumagot ang aktres, “Oh, yeah!”

“I see myself growing old with him. Ito na. Ito na ’yon. This is the last stop na,” aniya.

abby jomari

Screenshot mula sa Remus Archieves | YouTube

Sa isang naunang panayam sa Tonight With Boy Abunda, binalikan ni Abby ang nakaraan nila ni Jomari at ibinahagi kung paano sila naging magkasintahan muli.

“He’d sleepover at my house but it was so innocent ’cause we’d sleep in the same bed but my tita’s there. And we were like that for good few months. But of course, we were young, 15 years old and careers were starting. We just grew apart,” kuwento niya.

abby jomari

Screenshot mula sa Remus Archieves | YouTube

Hanggang sa noong 2015, bigla na lamang siyang nakatanggap ng friend request mula kay Jomari sa isang social networking site.

“We reconnected in 2015 when he parted with his ex and I parted with my ex. And we reconnected again and we talked about the things that happened in our lives. Siya unang nag-friend request sa akin. Hahaha!” pagbabahagi niya.

Abby Jomari

Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment | YouTube

Kuwento pa ng aktres, madalas daw silang magbalik-tanaw sa mga alaalang nabuo nila nang magkasama noong kabataan nila, kabilang na rito ang isang hula sa kanya noon.

“Naging kami in Hong Kong. And then, he reminded me, sabi niya, ‘Do you remember, Baby, noong may nanghula sa’yo na your true love will be formed in Hong Kong?’ He remembers that but I didn’t remember it, but nagkatotoo,” aniya.

abby jomari

Screenshots mula sa Remus Archieves | YouTube

Post a Comment

Previous Post Next Post