Grabe ang dami ng views ng unang TikTok video ng Kapuso actor na si Alden Richards kasama si Blythe o Andrea Brillantes.
Sa loob lang ng isang araw ay halos umabot na sa tatlong milyon ang views ng pagsayaw nilang dalawa.

Screenshot of Alden and Blythe’s TikTok video
Kahit mahusay namang sumayaw, kilala si Alden Richards na ayaw mag-TikTok.
Noong nakaraang taon ay sinabi nga niya bilang sagot sa tanong ng isang tagahanga kung kailan ba siya sasali sa TikTok craze.
“TikTok? Ibigay ko na lang sa Tatay ko ‘yun. Hindi ko talaga kayang mag-TikTok,” ang sabi ni Alden noon.
Pero heto nga ngayon ang Asia’s Multimedia Star na nagti-TikTok kasama ang isa sa mga reyna ng TikTok o Queen TikTokerist.
At hindi lang isang TikTok video ang ginawa nila kundi dalawa na ang isa ay may mahigit isang milyong views na at ang isa naman ay umabot na sa tatlong milyon.
“Napanood n’yo na po ba ang commercial namin ni Kuya Alden,” ang caption ni Blythe sa TiktTok video nila.
Aprub naman sa mga netizens ang pagti-TikTok ni Alden kahit medyo nagulat ang ilan sa kanila.

Screenshot of Alden and Blythe’s TikTok video
“Alden Richards the Tiktokerist.”
“Akala ko standee si Alden d’yan. Nagulat ako gumalaw hahaha.”
“Ngayon ko lang nakitang sumayaw si Kuya Alden.”
“Cute mo Blythe. Ankyut din ni Alden. Nakita ko na naman ang kanyang dimples hahahahaha.”
“Ang pogi ni Alden, Kaloka. Buti napatiktok siya. Congrats sa new commercial n’yo Blythe.”
Bukod sa nagustuhan ng mga netizens ang pagti-TikTok ng Eat Bulaga dabarkad, may nagsabi rin na parang bagay daw sila ni Blythe at sinegundahan pa ng marami. Nagbabadya na ba ng bagong loveteam ito?
“Teka lang. Bakit bagay sila?”
“Malay n’yo si Alden at si Andrea talaga magkatuluyan.”
“Puwede sila magsama sa isang movie. Cute nila together mag-kuya vibes.”

Image from Sting Philippines
Si Alden at si Andrea ay magkasama sa bagong commercial ng Sting, ang energy drink na gawa ng Pepsi Cola.
“Hataw sa energy, hataw sa sarap, kaya hataw ka rin sa trabaho, lodi. ‘Yan ang epekto ng energy-sarap ng Sting!” sabi ng Sting Philippines.