SIM registration aprubado na sa Senado, Illegal activities gamit ang cellphone bilang na ang mga araw,

Aprubado na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa noong Huwebes, December 16, ang panukalang irehistro ang subscriber identification module o SIM.

Unanimous ang boto sa pag-apruba ng mga senador sa Senate Bill (SB) 2395 o ang proposed SIM Card Registration Act na ang hangarin ay malipol ang mga criminal activities na ginagamitan ng cellphones, internet o iba pang electronic communication devices.

Image from Senator Dick Gordon

“The measure establishes another layer of security protection for Filipinos which will hopefully deter criminals from perpetrating their wicked plans. It is high time that we beef up our own infrastructures to address these threats to security,” pahayag ni Senator Grace Poe, ang chairperson ng Senate Committee on Public Services at ang sponsor ng SB 2395.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang mga public telecommunications entities (PTEs) na i-require ang mga subscribers na personal na magsumite sa kanila ng registration na naglalaman ng kanilang buong pangalan, kapanganakan at address.

Kailangan din na magpresenta ng valid government ID o katulad na dokumento. Ang mga menor de edad ay dapat samahan ng kanilang mga magulang o guardian kapag bibili ito ng SIM card.

Maaaring tanggihan ng sellers ang bumibili ng SIM card kapag hindi ito nakasunod sa requirements.

Ang lahat naman ng existing at active subscribers ay kailangang iparehistro ang SIM cards nila sa loob ng isang taon mula sa effectivity ng batas.

Kapag hindi iyon nagawa sa loob ng prescribed period ay awtorisado ang mga PTEs na i-deactivate ang kanilang SIM cards.

Ikinatuwa ni Sen. Win Gatchalian na sa wakas ay nagbunga na ang kanilang mga pagsisikap na maaprubahan ang panukala.

Image from Ikot

Isinama sa SB 2395 ang isang probisyon na ipinanukala si Senator Franklin Drilon na obligahin ang mga social media platforms na i-require ang mga users na magparehistro gamit ang tunay na pangalan at phone numbers bago gumawa ng social media account.

“This new provision will prevent anyone from making anonymous accounts online. We have to cure trolls that are spreading as fast as the virus that we are battling today. Troll is a virus that hides behind anonymity and continues to spread nothing but hatred and disinformation,” wika ni Sen. Drilon.

Ayon kay Sen. Drilon, haharap ang mga trolls ng hanggang 12 years na pagkabilanggo o multang hanggang P200,000 o pareho. Gayundin umano ang mga taong gagamit ng fictitious identities sa pagpaparehistro ng SIM card.

Image from Senate PRIB

Post a Comment

Previous Post Next Post