Isang napakahusay na aktor si John Arcilla at testamento ang mga tropeo at awards na naipagkaloob sa kanya dahil sa kanyang galing.
Sa katunayan ay gumawa si John ng isang kasaysayan bilang unang Pinoy actor na nanalo ng Volpi Cup for Best Actor sa Venice Film Festival; ang itinuturing na oldest film festival sa mundo na noon pang 1932 nagsimula.

Image from John Arcilla
Sa husay niya sa pagganap sa role bilang ang radio host na si Sisoy Salas sa “On The Job” Missing 8” na idinirehe ni Erik Matti ay napahanay si John sa mga international superstars na tumanggap na ng Best Actor Volpi Cup.
Kabilang doon sina Brad Pitt, Ben Affleck, Sean Penn, Willem Dafoe, Hugh Grant, Liam Neeson, Wesley Snipes, Philip Seymour Hoffman at Joaquin Phoenix.
Sabi ni John, gusto niyang tulad ng mga nabanggit na international actors ay maging isa ring global actor.
“I want to see myself as one of the global actors!”aniya.
“We’ve been already on an international screen and we got the citation. Inilinya nila tayo sa mga popular and great actors across the globe like sina Brad Pitt. So, parang I want to see myself to really do explore and see myself as a global actor,” pahayag ni John.
Marami na raw na Filipino-American na kahit paano ay nagkaroon ng puwang sa global cinema, pero ang gusto niya ay magkaroon ng isang tunay na Pinoy na kagaya niya.

Image from John Arcilla
“Ang dami na rin kasing American-Filipino na somehow nagkakaroon na ng posisyon sa global cinema, pero ako I wanna sell myself as a Filipino in somebody’s society. Like a Filipino in America, a Filipino in China, a Fillipino in Russia and playing a major role or significant role in their society, in their films. Parang ‘yon ‘yung gusto kong i-explore ngayon,” wika ng magaling na aktor.
Ang dream role n’ya raw ngayon ay lumabas sa DC movies. Kahit daw kontrabida ni Batman o kaya naman ay isang mutant sa X-Men.
“If I can also play one of those villains sa Batman and the first Filipino villain, parang ‘yon ang dream ko ngayon. If not, siguro one of the freak people in X-Men. Parang ang sarap lang niyang i-explore, mas ganun pa ‘yung nai-imagine ko, eh, na gusto kong gawin,” aniya.
Si John ay muling mapapanood sa 2021 Metro Manila Film Festival sa pelikulang “A Hard Day” kasama ni Dingdong Dantes.

Image from John Arcilla