Alodia Gosiengfiao, nilinaw na hindi si Christine Samson ang dahilan ng break up nila ni Wil Dasovich

Nilinis ni Alodia Gosiengfiao ang pangalan ni Christine Samson sa ispekulasyon ng mga netizens na siya ang third party sa hiwalayang Alodia-Wil Dasovich.

Matatandaang unang lumutang ang pangalan ni Christine Samson sa paghihiwalay ni Alodia at Wil dahil sa blind item na isinulat noon ng self-professed “hari ng mga marites” na si Xian Gaza tungkol sa isang social media influencer na naaktuhan umano  ng girlfriend na may ibang babaeng kasama sa hotel.

Screenshot from Alodia Gosiengfiao’s video

Lumakas ang kutob ng mga netizens na patungkol iyon kay Wil Dasovich at Alodia lalo na nang kumpirmahin ng dalaga sa social media ang paghihiwalay nila ni Wil.

“We tried to work things out many times but some things are not meant to be,” ang nakagugulat na pahayag noon ni Alodia.

Lalo pang uminit ang mga hakahaka sa third party issue nang maglabas ng anunsiyo ang Tier One Entertainment na tinatapos na nito ang kontrata sa kanila ni Christine Samson.

Ang Tier One Entertainment ay ang gaming at e-sports organization na co-founded ni Alodia.

“We would like to officially announce that Tier One Entertainment shall no longer continue the talent contracts of both Christine Samson and Nami Onuma,” saad sa Facebook post ng Tier One Entertainment noong Martes, December 14.

Screenshot of Tier One Entertainment’s Facebook post

Dismayado si Alodia sa mga hakahaka ng mga netizens kaya nilinis niya ang pangalan ni Christine Samson.

“Sad to see how people are turning this into something else. Just to clear everything out, Christine nothing to do with my past personal relationship. I wish her & Namiall the best in their future endeavors,” FB post ni Alodia noong Miyerkules, December 15.

Sa mga nakaraang interview, sinabi ni Christine Samson na itinuturing niyang “parents” sa gaming industry sina Alodia at Wil.

“Lagi po akong nagte-thank you kay Ate Alodia. Hindi po ako mapapagod na magpasalamat. Hala, bakit ako naiiyak? Kasi parang sila po talaga ni Kuya Wil ‘yung parang parents ko sa industry na ito. Sila ang nagsabi sa akin ng mga dapat kong itatak sa isip, ‘yung dapat ganito ka,” ani Christine.

Isang commercial actress si Christine na unang sumikat dahil sa variety show na “It’s Showtime” kung saan siya nakilala bilang si “Genie-Nga,” ang genie sa loob ng banga.

Screenshot from It’s Showtime video

Post a Comment

Previous Post Next Post