Nawindang ang mga netizens sa cake na ipinagawa ni Ellen Adarna para sa mister niyang si Derek Ramsay na nagdiwang ng 45th birthday noong nakaraang Martes, December 7.

Image from Derek Ramsay’s Instagram account
Kakaiba kasi ang disenyo ng birthday cake na gawa ng Lovelotscakes. Mga ipis at daga ang nagsilbing “palamuti” sa cake.
“Lovelotscakes, thank you so much…oh my God. My wife gave me the best cake. Look, may ipis, may daga. This is so my wife,” sambit ni Derek matapos hipan ang kandila sa birthday cake.
Alam ng mga sumusubaybay sa mga vlogs ni Derek at Ellen na takot sa ipis at daga ang aktor. Ilang beses na siyang ginawan ni Ellen ng mga pranks gamit ang laruang ipis at daga.
Ginanap ang selebrasyon sa bahay ni Derek. Dinaluhan ito ng mga kaanak at piling kaibigan. Kabilang sa mga nakisaya sa espesyal na araw ng aktor ang singer na si Pops Fernandez.

Screenshot from Derek Ramsay’s video
Bukod sa regalong London-themed chess set, isang sweet message ang ibinigay ni Ellen sa asawa.
“You make my mornings more beautiful. I love you my forever Gor,” post ni Ellen sa Instagram.
Natuwa ang ilang followers nila sa message ni Ellen dahil ang “Gor” sa mensahe ay hindi pala “gorgeous” ang pakahulugan tulad ng inakala ng marami.
Ang Gor daw sa salitang Bisaya ay “gorang” o matanda.
Sweet naman ang ganting reply ni Derek sa mensahe ni Ellen.

Screenshot from Derek Ramsay’s video
“My life has been great but now that you and Elias are in, its perfect! I love you baby,” aniya.
Sa isang video clip na ibinahagi ng best friend ni Derek na si Gali Gonzaga, makikita si Ellen na hawak ang isang cake habang nagwi-wish si Derek para sa kanyang kaarawan.
“I wish it’s a boy,” ang hiling ni Derek na sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa mga bisita niya.
Si Derek at Ellen ay ikinasal noon lang nakaraang buwan ng Nobyembre.

Image from Derek Ramsay’s Instagram account