Rastaman niregaluhan ni Donnalyn Bartolome ng mamahaling camera na pang-vlogging

Isang unboxing video ang ibinahagi ng napakapopular na personalidad na kilala bilang si Rastaman na Rolando Plaza ang tunay na pangalan.

Screenshot from Rastaman Official YouTube video

Isang magandang klase ng camera na magagamit sa vlogging ang natanggap niyang regalo mula sa vlogger-actress-singer na si Donnalyn Bartolome.

Matatandaang nabanggit na noon ni Donnalyn sa mga nauna niyang YouTube video na kinukumbinsi niyang mag-vlog na rin si Rastaman upang magkaroon ito ng pagkakakitaan.

Noon ngang nakaraang buwan ay gumawa na si Rastaman ng sarili niyang YouTube channel – ang Rastaman Official na mayroon na kaagad na 170,000 subscribers.

Sa unboxing video, sinabi ni Rastaman na galing sa heaven ang camera. Bigay daw iyon ng half human half goddess na si Donnalyn para sa kanya na isang half-human half zombie.

“Ito na ang regalo ng hap human hap goddess sa hap human hap zombie n’yo. Rastaman in the house yo!” ang caption ni Rastaman sa kanyang video.

Si Rastaman ay unang nakilala ng publiko noong kumandidato siya sa pagka-senador noong 2019 senatorial elections.

Screenshot from Rastaman Official YouTube video

Bagaman at idineklara siyang nuisance candidate dahil sa nakawiwindang niyang sagot sa tanong na nakalaan sa mga kandidato ay naging popular siya sa social media.

“Nuisance. Eh malinaw naman ‘yung adbokasiya ko eh,” reklamo noon ni Rastaman.

Balak rin sana niyang kumandidato ulit sa pagka-senador para sa darating na halalan sa 2022, subalit hindi natuloy ang paghain niya ng Certificate of Candidacy dahil tinaman siya ng covid.

Sa vlog niya noong November 10, 2021, ipinaranas ni Donnalyn kay Rastaman kung paano mangampanya ang isang kandidato. Naghanda pa siya ng kotse, tarpaulin at mga tsokolateng ipamimigay sa mga tao habang naglilibot sila sa “pangangampanya.”

Click to watch Donnalyn Bartolome’s vlog

Dahil sa tulong na ginagawa kay Rastaman ay bumuhos ang papuri ng mga netizens kay Donnalyn:

“Hanga ako kay Donnalyn for supporting Rastaman. Sobrang inspiring. God bless po sa inyo.”

 “Sobrang humahanga ako kay Donnalyn sa pagtulong kay Rastaman. Nawa’y marami pa siya maitulong sa iba pang vloggers/content creators na nagsisimula pa lang kagaya ni Rastaman.”

 “Ang suwerte mo Rastaman, social media goddess ang camera woman mo. Goodluck po sa vlogging career. Salamat po Ate Donnalyn. Idol kita, napakamatulungin.”

(Click ang imahe para mapanood ang unboxing video ni Rastaman)

Screenshot from Donnalyn Bartolome’s vlog

Post a Comment

Previous Post Next Post