'Kasambukid': Ang pambansang hayop na kalabaw at ang espesyal na lugar nito sa mga Pinoy

Hindi maikakaila kung gaano kahalaga sa bansa ang kalabaw at kung ano ang papel nito sa napakaraming Pilipino. Bukod sa pagiging “Pambansang Hayop” at katulong ng mga magsasaka sa bukid, malapit din sa puso ng mga Pinoy ang mga kalabaw dahil sa napakaraming alaalang nabuo nila kasama ito; lalo na sa mga Pilipinong lumaki sa kabukiran o madalas magbakasyon sa probinsya.

kalabaw Pinoy

Image via Pexels

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng mga miyembro kung paano naging bahagi ng buhay nila ang kalabaw na naging isang permanenteng tanawin na para sa mga Pinoy na nakatira o nagagawi sa probinsya. May mga nagbalik-tanaw din sa panahong isa pa ang pagsakay sa likod nito sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila noong bilang mga bata; nakatira man o nagbabakasyon lamang sa kanayunan.

kalabaw Pinoy

Screenshot from Facebook

“That’s my favorite pet. Hindi pala pet, I call them kasambukid kasi malaking tulong sila sa amin noon. Nakapagtapos ako dahil sa kanila. Ngayon wala na sila,” pagbabahagi ng social media user na si C. Pasion.

“Sumakay sa paragos hila ng kalabaw ang na-experience ko. Parang kariton iyon pero walang gulong kaya hinihila lang ng kalabaw para doon isakay mga inani na palay o mga kahoy, at iba pa,” pagbabalik-tanaw ni M. Jaca.

kalabaw Pinoy

Image via Pexels

“Sumubok ako noon sumakay sa kalabaw ng tatay ko. Pagsuot ng kalabaw sa siling kakahuyan, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hahaha! Lumambitin ako sa mataas na sanga. Hahaha ang dami kong experiences diyan sa kalabaw,” ani V. Cañelas.

“Nagbabasa ako ng komiks habang nagpapastol ng kalabaw. Dalaga na ako nagpapastol pa ako. Malapad ang likod niya at saka mabait. Humihiga pa ako kasi nangangalay ako kapag matagal. Mabait siya at hindi siya malikot,” kuwento ni F. Dela Cruz.

kalabaw Pinoy

Image via Pexels

Ikaw, ano-ano ang magagandang alaalang ibinabalik sa iyo ng kalabaw?

Post a Comment

Previous Post Next Post