Mayor Vico pinatanggal ang mga election-related materials sa mga public properties sa Pasig

Naglabas ng memorandum si Pasig City Mayor Vico Sotto na nag-uutos para tanggalin ang lahat ng mga poster at tarpaulins na may kinalaman sa eleksyon na nakadikit o nakasabit sa mga istrukturang pag-aari ng lungsod.

“I instructed our personnel through the City Admin to remove election-related materials posted in PUBLIC PROPERTY,” ani Mayor Vico sa isang tweet nitong Sabado, Disyembre 3.

Mistulang walang sisinuhin ang kautusang ito ng alkalde dahil kahit ang mismong tarpaulin na may mukha niya ay kailangang tanggalin.

Screenshot mula sa Twitter

“Kahit tarp ko pa yan,” ayon pa kay Mayor Vico.

Sa naturang memorandum, pinaalalalahanan ni Sotto na ipinagbabawal ang paglalagay ng anumang ribbons, posters, tarpaulins at iba pang materyales na may kinalaman sa pangangampanya sa eleksyon, o maging yaong ginagamit sa komersiyal, sa mga public properties maliban na lamang kung ito ay pinayagan ng pamahalaang lungsod ng Pasig.

Ganunpaman, maaari naman umano itong ilagay sa mga istrukturang pag-aari ng pribadong indibidwal o kumpanya.

Imahe mula sa PNA

Kapag mayroong nagtanggal umano ng tarpaulins na nakasabit sa private properties, maaaring makipag-ugnayan sa kinauukulan upang maisaayos ito.

“IF private property was included then this was a mistake, and u may report to Ugnayan sa Pasig instead of posting without knowing the details,” paglilinaw ng alkalde.

Eusebio muling nagpahaging

Samantala, muling nagpahaging si dating Pasig City Mayor Bobby Eusebio matapos sagutin ni Sotto ang nauna niyang Facebook post na hindi umano ramdam ngayon ang diwa ng Pasko sa Pasig dahil sa kawalan ng mga kumukuti-kutitap na ilaw at nakasabit na parol sa lansangan.

Screenshot mula sa Facebook

“Ah ganun ba? Yehey! Salamat at may ayuda, sana…walang pinipili, sana meron din kahit bato ang bahay (sabi nga niya kahit nakatira ka sa condo),” ayon sa post ni Eusebio nitong Sabado.

“At sana wala ring QR pass… kaya kung sabi Ninyo may ayuda, “Sana All”. Mabuhay ka Pasig!” dagdag pa ng dating mayor.

Tila sagot ito sa paliwanag ni Mayor Vico na hindi talaga sila gumastos ngayon ng magarbo para sa pailaw at dekorasyon dahil nais niyang pagtuunan ng atensiyon ang pamamahagi ng “Pamaskong Handog” dahil mas kailangan ito ngayong panahon ng pandemya.

BASAHIN: Mayor Vico sinagot ang ‘pahaging’ ni Eusebio na ‘di raw ramdam ang Pasko sa Pasig

Post a Comment

Previous Post Next Post