Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahang nadarama habang namimigay si Jinkee Pacquiao ng mga bibliya sa maraming residente ng General Santos City na dinalaw nila ng asawang si Senator Manny Pacquiao kamakailan.
Ibinahagi ni Mrs. Pacquiao sa kanyang Instagram account ang ilang litrato at isang video kung saan isa-isang pumila ang mga tao upang tanggapin ang bibliya.

Image from Jinkee Pacquiao’s Instagram account
Idinadalangin ng butihing asawa ng senador na sana’y mangusap sa mga tao ang Diyos habang binabasa nila ang banal na kasulatan.
“Panalangin ko na sa pagbabasa nila ng Bibliya ang Panginoon ang mangusap sa bawat isa,” aniya.
Sa Instagram post din na iyon ay isang sitas sa bibliya ang ibinahagi niya – ang Colossians 3:16 na ang nakasaad ay “Let the message about Christ, in all its richness, fill your lives.”
Sa pagdalaw nilang mag-asawa at pakikihalubilo sa mga residente ng nabanggit na siyudad, ang pagbibigay ng diumano ay “love letter” ng Diyos para sa mga tao ay isa raw sa pinakamasayang araw sa buhay ni Jinkee.

Image from Jinkee Pacquiao’s Instagram account
“Isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko na maibigay ang love letter ng Panginoon sa kanila,” wika ni Ginang Pacquiao.
Sa isang hiwalay na Instagram post, ibinahagi ni Jinkee ang larawan niya kasama si Mommy Dionisia, ang ina ni pambansang kamao. Si mommy D ay itinuturing pala ni Jinkee bilang bestfriend.
“My husband tells me that there are two beautiful women in his life. Me and You. How blessed we are, how fortunate we’ve been, that you are his mother, and also my best friend,” aniya.

Image from Jinkee Pacquiao’s Instagram account
Sa kasalukuyan, ang mag-asawang Manny at Jinkee ay nag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa upang makahalubilo ang mga taong nagmamahal sa kanila.
Patuloy pa rin ang pamamahagi ni Manny ng tulong sa mga taong nagangailangan lalo na ngayong mayroong pandemya. Iyon umano ang kanyang pamamaraan upang i-share sa iba ang blessings na natatanggap ng kanilang pamilya.