Muling umani ng mga papuri mula sa publiko ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa pakikiisa niya sa relief drive para sa mga naapektuhan ng typhoon Odette na nanalasa sa Visayas at Mindanao.
Nagtungo ang aktres sa isang volunteer center ng presidential aspirant na si Vice President Leni Robredo at running mate niyang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan upang doon ipadaan ang personal niyang tulong para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.

Image from Twitter
Dahil sa mga ginagawa niyang pagtulong sa kapwa, lalo na sa kasagsagan ng pandemya, ay binansagan ang aktres bilang “real-life Darna.”
Si Darna ang Pinay fictional superhero na dati nang ginampanan ni Angel Locsin sa isang teleserye sa GMA Network.
“Look: Kapamilya star Angel Locsin arrives at the Leni Robredo-Kiko Pangilinan headquarters in Katipunan, QC to give aid for victims of Odette,” tweet ng isang ABS-CBN field reporter.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga humangang netizens:
“Our Darna to the rescue.”
“Thank you, our Darna.”
“Anghel sa lupa! Si Darna yarn. Thank you. Napakabuti mo. God bless you more, Angel Locsin.”

Image from Twitter
Ayon kay Angel Locsin, nakita raw niya sa internet ang isang artcard na isang panawagan para sa mga donasyon sa mga biktima ng bagyong Odette kaya agad raw siyang nagtungo sa Leni-Kiko volunteer center para personal na maipaabot ang kanyang tulong sa mga naapektuhan ni Odette.
“After I saw this artcard online, I went to the Leni-Kiko Volunteer office to personally extend help for our kababayan’s who are affected by the typhoon #OdettePH. Of course, nag-observe muna ako. They converted their campaign area into a hard-working relief operation hub. The place have areas for receiving donations, repacking, storing goods, and communication center for those who needed rescuing, relief and also to find loved ones.” post niya sa Instagram.
Hinikayat niya ang mga nais mag-donate na magtungo rin sa naturang volunteer center. O kahit daw sa Red Cross na subok na rin ang pagtulong kapag may sakuna.

Screenshot of Angel Locsin’s Instagram post