Atty. Larry Gadon ipinadidisiplina sa Korte Suprema dahil sa ginawa nito sa female journalist

Kinondena ng Foreign Correspondents’ Association of the Philippines (FOCAP) si Attorney Larry Gadon na isang senatorial aspirant dahil sa ginawa nito sa isang babaeng mamamahayag.

Ito ay dahil sa malalaswang salitang binitiwan at mga pagmumura ni Gadon na mistulang nag-asal hayop dahil sa isang Twitter post ng investigative journalist na si Raissa Robles tungkol sa diumano ay hindi pag-file ni Bongbong Marcos ng income tax return.

IMage from Larry Gadon

Kasuklam-suklam umano ang inasal ni Gadon na sumasalamin daw sa kawalan ng pananagutan na kadalasang nararanasan ng mga mamamahayag sa pagganap sa kanilang trabahong protektado sa ilalim ng konstitusyon ng bansa.

Nanawagan ang FOCAP sa Korte Suprema at sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang disiplinahin ang abogado.

Kumalat sa social media ang maiksing video ni Atty . Larry Gadon na nagpapakita ng kawalan niya ng kontrol sa sarili.

Ayon sa FOCAP, ang ginawa ni Gadon ay labag sa batas ng Pilipinas patungkol sa public decency, gender respect at taliwas sa core principles ng IBP.

“It was utterly despicable and reflective of the belligerent impunity that independent and courageous Filipino journalists face for doing their constitutionally protected work in the country,” bahagi ng statement ng FOCAP.

Tulad ng lahat ng mga Pilipino, may karapatan naman daw si Atty. Gadon na kwestyunin ang mga pahayag ng mga journalists ngunit hindi dapat sa paraang taliwas sa kagandahang asal, respeto at karapatang pantao.

Screenshot of FOCAP’s statement

“We call on the Supreme Court and the IBP to discipline this wayward member of the bar for his boorishness and clearly unbecoming conduct. It is truly unfortunate that social media sites could be wantonly used as platform to attack independent journalists in this gruesome manner,” sabi pa ng FOCAP.

Nagpasalamat naman si Raissa Robles sa pagdepensang ginawa sa kanya ng FOCAP.

Sinabi rin niya sa mga nagpahayag sa kanya ng suporta na kumonsulta na siya sa isang abogado kung ano ang mga dapat niyang gawin.

Screenshot of Raissa Robles’ Twitter post

Post a Comment

Previous Post Next Post